Mabilis na lumapit si Hirro at kinarga ang munting bata na nasa aking harapan. He looked at me coldly although his eyes seems bothered with something. Muli ko sanang titingnan ang bata ngunit mabilis niya itong isinubsob sa kanyang balikat. "Aalis ka na ba?" malamig na tanong niya sa akin. "Who is she?" seryosong tanong ko imbes na sagutin ang tanong niya. "My sister," agad na tugon niya. Pinakatitigan ko pa siya upang hanapin ang kasinungalingan sa kanyang mata ngunit siguro nga ay gano'n talaga sila kahusay pagdating sa pagkukubli. "May kailangan ka pa ba?" tanong sa 'kin ni Hirro na tila gustung-gusto na akong paalisin. I looked at the girl again. Nakatalikod man siya sa akin ay gano'n nalang kalakas ang dating ng kanyang presensya sa sistema ko. "I'm going," pamamaalam ko bagam