YURA's POV: "Mukhang may naging tupa ngayon ah?" ani nang dumating. "Shut up Kuya." agad kong pigil sa pang-aasar niya habang humihipak sa sigarilyo kong hawak. Nandito ako ngayon sa rooftop ng building namin. Ramdam ko ang paglalakad niya papunta sa gilid ko. Ginaya niya ang posisyon kong nakatayo habang nakatuon sa railings ang mga siko bago niya tinanaw ng paligid. "Ilang taon narin nang itayo ito ng mga magulang natin. Hindi ko akalain na maiipagpatuloy ko ito." wika niya habang inililibot ang paningin sa buong eskwelahan. "Because you are the best. Wala kang hindi kayang gawin." I proudly said saka siya tinapunan ng tingin. Tumingin din naman siya sa akin at ngumiti bago muling itinuon ang atensyon sa kawalan. "Meron parin akong hindi kayang gawin." malungkot niyang sabi na iki