YURA'S POV: Ilang kilometro mula sa isang matayog na abandonadong gusali ay tumigil ang sinasakyan ko. Parehong nakikiramdam ang dalawa kong kasamahan sa akin na tila ba kinakapa ang susunod kong hakbang. "Hintayin niyo ang iba rito," ani ko at inayos ang espadang hawak. "Nahihibang kana ba, Yura?!" asik ni Prexia habang nakapigil ang kanyang kamay sa 'king braso nang asta akong lalabas ng sasakyan. Walang emosyon ko siyang tiningnan. Ramdam ko ang takot niya mula sa akin kaya naman unti-unti siyang napabitaw bagamat hindi niya iyon gustong gawain. "Hintayin muna natin ang ating mga tauhan pati na rin ang back up na ipinadala ng iyong ama, my lady," nakikiusap na wika ni Lanz. I smirked. "Alam mong hindi ako makakapaghintay ng gano'n katagal. Buhay ng mga mahal ang nakataya rito baka