Chapter 23 Tanya's POV "Slow," nakangisi niyang sabi sa akin ng mapatumba na namin yung tatlong Iguantus. Inirapan ko lang siya at hindi na pinatulan pa ang pang uuyam na ginawa niya. Hanggang sa saglit kaming napatigil ni Luis ng makarinig kami ng isang malakas na siga sa matinis na boses hanggang sa napagtanto kong boses pala iyon ni Donna na parang nakakita ng isang hindi kapani-paniwalang bagay. "Shadows," rinig kong sabi ni luis. Kaya naman napatinigin ako sa dereksiyong tinitignan niya. Sh!t pagmunura ko sa isip ko. May mga kasunod pala. "Nareport na sa council and nangyayari ngayon. Maya maya siguro darating na ang ruling galing sa kanila pero ngayon kinakailangan pa nating makipaglaban sa kanila," rinig kong sabi ni Ziah. "Kaya pa naman siguro natin to," rinig ko ring sa