PINATULOG muna ni Brix sa isang suntok ang lalaking nagbalak na manyakin si Winona, pagkatapos ay kaagad na kinalagan ang babae sa pagkakatali. “Halika na.” Inaya niya itong umalis, ngunit nang humakbang ang babae ay kamuntik nang matumba. “Ayos ka lang?” alalang tanong niya rito at kaagad na naalalayan ito sa baywang. ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ Nanghihina ang mga tuhod ni Winona. “A-ayos lang, pakiramdam ko kasi wala akong lakas. Hindi pa ako kumakain simula nang dumating ako rito sa Pilipinas.” Malalim ang naging buntong hininga at pinaubaya sa kaniya ang braso na iakbay sa balikat ni Brix. ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ Nagsimula silang maglakad habang akay-akay niya ito. “We have to leave this place. Delikado rito, maigi at kabisado ko ang lugar na ‘to.” Dinala niya ang babae sa daan na batid niyang