SUNOD-SUNOD ang balang pinakawalan ni Count sa target na nasa kaniyang harapan. Hindi siya napagod sa pagsasanay kahit batid sa sariling magaling na siya at masasabing bihasa na sa paggamit nito. Mapaisang kamay o dalawa pa man ay kaya niya nang patamaan ang gitna ng kaniyang target. Bunga ito ng pagtitiyaga ni Serenity upang matuto siya. Matapos ang huling bala ng baril ay ibinaba niya ito sa lamesa at lumabas ng silid. “Hi,” bati niya sa asawa na naghihintay sa labas. ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ Ngumiti naman ang babae. Lumapit sa kaniya at humalik sa kaniyang pisngi. “Let’s go?” tanong nito at iniabot sa kaniya ang isang bote ng mineral water. ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ He nodded and smiled. Bago tuluyang maglakad paalis ay tinungga niya muna ang inuming binigay nito. Nakauuhaw rin naman