TINANGHALI ng gising sina Count at Serenity dahil pareho silang napuyat kagabi, kaya naman hindi nila namalayan na kanina pa tumatawag ang mga taong makakasama nila sa byahe patungo sa Vigan City. Nang magising si Count ay saka niya lamang nakita ang cellphone na hindi lamang isang daan ang missed calls mula sa mga tauhan. “Oh, God, I forgot!” wika niya at malalim na napabuntong hininga. Si Serenity naman ay titig na titig lamang sa kaniya habang nananatiling nakaupo sa kama at balot pa rin ng kumot ang hubong pangangatawan. “It’s okay, they will wait for us.” Isinandal nito ang likuran sa headboard ng kama. “Isa pa’y pupwede naman tayong sumunod kung kinakailangang mauna sila.” “Yeah.” Nagkibit balikat na lamang siya at inihagis sa ibabaw ng kama ang kaniyang cellphone pagkatapos ay l