ILANG ARAW ang lumipas nang napakabilis. Bumawi si Serenity sa kaniyang kapatid na si Winona at ang nagkasundo silang manatili na lamang sa Pilipinas si Winona at ipinapangako niyang hinding-hindi ito masasaktan ng kahit na sino pa man. Nais niyang bumawi sa mga panahong hindi niya ito kasama at hinahanap siya nito, kinakailangan. Palagi siyang wala nang mga araw na nagkakasakit ang kapatid. Laking pasasalamat niya na lamang at hindi ito nagkaroon ng malaking tampo sa kaniya na hindi na kaya pang bawian. ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ Nanatiling mabuti ang puso ni Winona at hindi nagbago ang pagmamahal para sa kaniya. Mahal na mahal niya ito at hindi na hahayaang mawalay pang muli sa kaniyang tabi. Hindi na niya ito itatapon pang muli sa ibang bansa tulad ng ginagawa niya noon. Magsasama-sama sila