PAGBUKAS na pagbukas ni Gino ng kanyang cellphone ay bumungad sa kaniya ang napakaraming email mula sa mga dating kakilala, kaibigan sa underground world. They were asking how he is and where does he lives now. Kumunot ang kaniyang noo. Paiba-iba na siya ng numero at telepono. Inalis na rin ang lahat ng social media accounts na maari siyang kontakin at mahanap ng mga kalaban, ngunit hindi ang importanteng email niya. Kailangan niya ito para kahit papaano ay konektado sa mga nahuhuthutan niya sa ibang bansa. ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ “Anong meron?” takang tanong niya sa sarili. Labis na nagtataka at batid na mayroong mali. Biglaan ang pangyayari at sigurado siyang may naganap na dapat niyang alamin ngayon. “Bakit hinahanap yata ako bigla ng mga ‘to?” ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ Bumangon siya mula sa