Chapter 47 3rd Person's POV; Nagkagulo ang buong crowd ng may mga ligaw na bala na ang lumabas galing sa ring. Patuloy na lumaban sina Terrance habang si Zian ay hindi alam ang gagawin habang pilit na tinatakpan ang dugong lumalabas sa bibig ng asawa. "W-Wake up wifey uuwi na tayo ... iuuwi na kita." Umiiyak na sambit ni Zian habang hawak ang ulo ng asawa at hindi alintana ang mga lumilipad na bala. Kasalukuyang nagkakagulo ang lahat hanggang sa dumampot ng katana si Zandro at tahimik na lumapit sa nakatalikod na si Zian. Iaangat nito ang hawak na katana ng---. "Arggggh!!" Daing ni Zandro ng may lumipad na patalim at bumaon yun sa wrist niya at ng tingnan yun kung saan nanggaling. May grupuhan ng mga babae ang bigla na lang sinugod ang mga kalaban nina Terrance at pinagpapatay haba

