Chapter 42: Love Is All That Matters Nanatili akong nakayuko habang kumakain kami ng brunch namin ni Kevin kasama ng mga magulang niya. Hindi ko magawang mag-angat ng tingin muli. Kasi the last time na ginawa ko ay nakasalubong ko ang naka arko na kilay ng ina niya. Nanunuot sa ere ang amoy ng niluto kong kare-kare. Prior na dumating kami dito ay nag stock pa la si Kevin ng ulam na pwede naming lutuin. Naisin ko man na kumain ng todo-todo ay nahihiya ako. I mean, naiilang ako sa pagtitig sa akin ng mom ni Kevin. Kung sino ba naman siguro ang nasa posisyon ko ay mas nanaisin pa na magkulong sa kwarto kaysa sa maramdaman ang matatalim niyang titig. Tahimik lang akong kumakain ng paunti-unti. Tatlong putahe ang ginawa ko. ‘Yung simpleng ulam lang pero masarap, kagaya ko — walang halon

