"Maligayang Kaarawan sa iyo Maginoong Mirza," nakangiting pagbati ni Mahalia sa matanda na siyang marahan naman tinanguan nito. "Maligayang Kaarawan maginoo," wika naman ni Ebraheem. "Ilang taon na nga ba kayo Maginoo?" "Isang daang mahigit na siguro, hindi ko na alam sapagkat itinigil ko na ang pagbibilang nang lumagpas na ako sa isang daan," sagot ng matanda na natawa na lamang nga ngayon at inilibot ang kaniyang paningin. "Napakaengrande naman ng inihanda mong salu-salo Mahalia, dapat ay hindi ka na nag-abala pa iha." "Ngayon lamang ho ako makakabawi sa inyo maginoo," pakli ni Mahalia dito dahilan upang matigilan ang matanda at kunutan ngayon ng noo si Mahalia. "M--makakabawi? Saan?" Sa isang napakadilim na pasilyo ay maingat at tahimik na naglalakad ngayon ang isang matanda na n

