—CEBU
Pagkamulat ng mga mata ni Gimel ay bumungad sa kaniya ang nakauwang na bunganga ng halimaw dahilan upang manlaki ang mga mata niya at tarantang napatingin sa paligid hanggang sa nahagilap ng kaniyang mga mata ang anting-anting na suot niya.
“A—anagolay? Kayo si Anagolay?”
“At ikaw na si Shakir?”
“Anagolay, anong ibig mong sabihin?” tanong ng lalaki sa likuran ni Gimel na siyang naglakad nga upang tabihan si Anagolay.
Isang lalaking nakasuot lamang ng bahag at may pana sa kaniyang likuran.
“Dumakulem, ito na si Shakir na anak ng ating anak na si Mapolan,” ani ni Anagolay dahilan upang unti-unting matigilan ang lalaki at marahang naglakad upang lapitan si Gimel habang tinitignan ito mula ulo hanggang paa.
“Nakuha mo ang mga mata ng aming anak,” ani ng lalaki na siyang diretso ngang nakatingin sa mga mata ni Gimel.
“Totoo ngang buhay ka at nailayo ka ng iyong mga magulang. Ikaw na lamang ang natitirang ala-ala sa amin ng iyong ina,” saad ni Anagolay na siyang hinagkan ngayon ng pagkahigpit-higpit si Gimel.
“Nais man kitang makausap ngayon at mas kilalanin pa ay natatakot akong maabutan tayo rito ng ibang mga tagapangalaga. Ako lamang ay nagtataka Shakir kung paano ka nakapunta rito?” tanong ngayon ni Anagolay kasabay ng pagkawala niya sa yakap.
“Sinabi ko po ‘yong mga katagang nabasa ko sa libro ng mga babaylan na—“
“Iyora Kustara?” putol ni Dumakulem na siyang agad na tinanguan ni Gimel. “Huwag mo munang banggitin ito sapagkat sa oras na gawin mo ‘yon ay babalik ka nang muli sa Berbaza.”
“Pawisan ka at madungis ang iyong mukha”—ani ni Anagolay habang marahang hinahaplos ang magkabilaang pisngi ni Gimel na siyang punong-puno nga ng dumi mula sa mga pagkakabagsak niya at pakikilaban sa halimaw—“ano ang iyong dahilan kung bakit mo nabanggit ang mga katagang iyon?”
“Hawak ako ng isang halimaw na kung tawagin nila ay Bungisngis,” sagot ni Gimel dahilan kapwa matigilan ang mag-asawa.
“S—si Bungisngis? Matagal ng nakakulong ang nilalang na ‘yon sa Neraka. Imposible ang iyong sinasabi iho,” ani ni Dumakulem ngunit kalaunan ay unti-unti siyang natigilan. “Ang mga hayop na Ravena. Sila lamang ang tanging makakapagpakawala sa halimaw dahil sila ang tagapagbantay ng kulungan. Sinadya nilang pakawalan ito dahil alam na nilang buhay ka.”
“Pinatay na nga ng Helios na ‘yon ang aking anak ay hindi pa rin ba sila titigil at papatayin ka rin nila?” hindi makapaniwalang tanong ngayon ni Anagolay.
“Anagolay, si Shakira ng puntirya nila simula pa nang una kaya hindi sila titigil hangga’t mapatay nila ito.”
“Hindi ako makakapayag Dumakulem. Noong una ay nabigo tayong tulungan ang ating anak na protektahan si Shakir ngunit ngayon ay hindi na ako makakapayag na wala tayong gawin upang protektahan siya,” usal ngayon ni Anagolay sa kaniyang asawa dahilan upang buntong-hiningang mapatango ito.
“Ang mga halimaw na tulad ni Bungisngis ay hindi madaling mapuksa. At kung hindi ako nagkakamali ay ang apat na Amatista ang siyang nakapuksa nito noon. Ganoon kalakas ang dapat maging pwersa upang mapuksa siya,” ani ngayon ni Dumakulem. “Ngunit ikaw Shakir ay hindi lamang ordinaryong babaylan kundi ay anak ka ni Alec na siyang anak ng pinakamalakas na babaylan sa buong kasaysayan. At anak ka rin ni Mapolan ngunit sa nakikita ko sa iyong mga mata ay tila hindi pa nabubuksan ang kapangyarihang namana mo sa iyong ina. Kaya naman ang maaari lamang nating magamit ngayon ay ang pagkababaylan mo.”
“Isa lamang ang naiisip kong paraan ngayon,” saad ni Anagolay na siyang kinapa ang maliit na lalagyan na nakasabit sa kaniyang beywang. “Ang anting-anting na pamana sa iyo ng iyong amang si Alec.”
Marahang inilabas ni Anagolay ang isang kwintas mula sa kaniyang lalagyan.
“Isa ito sa mga nawawalang gamit na napulot ko mula pa sa taong 1940. Hinanap kita sa taon na ‘yon dahil alam kong pagmamay-ari mo ito. At nang hindi ka namin nahanap ay inakala naming wala ka na talaga Shakir,” saad ni Anagolay na marahang isinuot kay Gimel ang anting-anting. “Magagamit mo ang bagay na ‘yan upang mas mapalakas pa ang engkantasyong gagamitin mo laban sa halimaw.”
Marahan ngang napangiti si Gimel at unti-unting tinanguan ang tagapangalaga.
“Ikaw ay pumaroon na dahil nararamdaman kong may paparating ngayon dito sa ating kinatatayuan,” ani ni Dumakulem na siyang dahilan upang buntong-hiningang tumango si Gimel.
“M—maraming Salamat po sa inyong tulong,” ani niya na siyang nakangiting tinanguan ni Anagolay kasabay ng muling pagyakap niya rito.
“Mag-iingat ka Shakir at nawa’y hindi ito ang huli nating pagkikita,” saad ng tagapangalaga.
“Sige na Shakir, ikaw ay humayo na,” sambit ni Dumakulem.
“Iyora Kustara.”
Marahang hinawakan ni Gimel ang anting-anting na suot niya at diretso nga ngayong tinignan ang mata ng halimaw.
“Berikan saya pedang,” ani ni Gimel kasunod ng unti-unting paglitaw ng lumulutang na espada sa kaniyang tabi na siyang mabilisan niyang kinuha at agad na isinaksak sa kamay ng halimaw dahilan upang mapasigaw ito ng pagkalakas-lakas at unti-unti ngang mabitawan si Gimel at bumagsak itong tuluyan sa lupa.
“Lagot ka sa aking babaylan ka! Walang sino man ang maaaring saktan ako!” sigaw ng halimaw na siyang humakbang at akmang tatapakan na si Gimel na ngayon ngay nakahandusay sa lupa at iniinda ang sakit ng pagkakabagsak niya.
Nanlalaki nga ang mga mata ni Gimel at hindi maigalaw ang katawan. Ipinikit na lamang niya ang kaniyang mga mata nang matanggap na tila baga ito na ang kaniyang katapusan ngunit natigilan siya at napamulat ng mata nang maramdamang may yumakap sa kaniya.
“A—afiya?”
Sila ngay gumulong-gulong sa lupa palayo sa lugar na tatapakan ng halimaw. At halos sabay nga silang napapikit nang maramdaman ang pagyanig at pagbitak ng lupang tinapakan ng halimaw.
“A—ayos ka lang ba Gimel?” tanong ni Afiya na siyang tumayo na nga at kasunod na tinulungang makatayo si Gimel.
Pareho na ngang may dalos ang kanilang mga mukha at kamay. At ang mga paa nga ngayon ni Afiya ay tuluyang namanhid.
Ngunit halos sabay nga silang natigilan ni Gimel nang makitang akma nga na namang tatapakan ng halimaw ang lugar kung nasaan sila ngayon.
Buntong hiningang napahawak si Gimel sa kaniyang anting-anting at tinignan ngang diretso sa mata ang halimaw.
“Berhenti!”
Natigilan ang halimaw na kalaunan ay unti-unti siyang naging bata mula paa hanggang sa kaniyang mukha.
Napaupo ngang tuluyan si Gimel sa lupa nang dahil sa pagod at sakit ng kaniyang katawan.
“N—nagawa mo Gimel,” nakangiting ani ni Afiya na siyang tinabihan si Gimel dahil maski siya ay pagod na pagod din at naubusan na rin ng enerhiya.
Unti-unting ngumiti si Gimel at marahang tinanguan si Afiya habang hawak-hawak ang suot na anting-anting.
_________________________
Ngayon ay nasa pinakaliblib na parte ng Isla Mandaramat si Afiya upang sumisid sa dagat at panumbalikin ang mga lakas na nagugol niya sa pagtulong kay Gimel sa pakikipaglaban sa halimaw na si Bungisngis.
Marahan niyang inilibot ang paningin nang masigurong walang taong makakakita sa kaniya.
Nang masiguro ngay ibinaba na niya ang kaniyang mga gamit at tuluyan na ngang sumisid sa dagat dahilan upang unti-unting lumabas ang kaniyang buntot at naging kulay asul ang kaniyang mga mata at buhok.
—NERO
Nang makarating si Afiya sa Kaharian ng Nero ay kunot-noo siyang pumasok sa loob nito nang mapansin na wala ang mga sirenong nagbabantay sa harapan.
Lumangoy ito at nagtungo sa kastilyo kung saan nakatira ang hari ng Nero at ang Khaaya Amina nito.
Ngunit tuluyan siyang natigilan muli nang maramdamang may sumusunod sa kaniya dahilan upang magpalabas siya ng asul na ilaw mula sa kaniyang palad at humarap dito.
“Sino ka? Magpakita ka sa akin at harapin mo ako—“
Tuluyang natigilan ang dalaga nang isang espada ang tumama mula sa kaniyang likuran dahilan upang manghina siya at mawala ang asul na ilaw sa kaniyang palad.
“Kamusta ka na Afiya?”
Unti-unting nanlaki ang mga mata nito nang pumunta sa harapan niya ngayon ang sumaksak sa kaniyang likuran.
“H—helios? Anong ginagawa mo dito?”
“Tinatanong pa ba ‘yon?” nakangising baling na tanong ni Helios. “Alam kong alam mo kung bakit ako nandito Afiya kaya huwag na tayong maglokohan.”