Chapter 19
Ellie
Nakatulog siyang hindi tinatanggal ang tali sa akin. He’s so drunk last night. I can’t sleep after that. I cried all night long. Hindi ko na alam kung anong oras ako nakatulog pero papaumaga na iyon. Nagising akong nakatali pa rin. Nararamdaman ko na ang pangangawit ng kili-kili ko, ang pamamanhid ng mga braso. And even the stinging pain in between my thighs.
He was sleeping beside me. Not knowing that I’m still struggling being tied up. I can’t look at him. Sumasagitsit ang sakit sa dibdib ko sa tuwing nararaan siya ng mga mata ako, so I tried to go back in sleep and forget about him. It failed at first, pero dala siguro ng pagod at antok ay nakaidlip ako.
Naalimpungatan akong kinakalagan ang tali sa mga kamay ko. Hindi ako nagmulat ng mga mata dahil ramdam ko ang presensya niya sa harapan ko. Nang makawala ay hindi siya agad umalis. I suppressed to flinch when he touched me on my wrist, doon sa mga galos. At nang pumasok na siya sa banyo, pagkarinig ko sa lagasgas ng tubig ay saka ako nagmulat ng mga mata at hinatak ang kumot para ibalot sa katawan ko. I’m still fully naked, and lifeless. I look at my wrists, naroon ang mga bakas ng ginawa niya kagabi. Kumikintab ang mumunting dugo at namumula ang mga gilid. The pain in me showed up when I saw my scratches. Nanubig ang mga mata ko at agad na nanlabo. I pulled up the quilt and covered myself from the stinging tears.
I bit my lip para hindi makagawa ng hikbi. Ramdam ko ang pananakit ng aking lalamunan. It could get worse habang naririto ako. Mababaliw ako. Mababaliw ako sa nangyayari sa akin. Gustong-gusto ko nang sumuko sa buhay ko, pero sa tuwing naroroon na ako ay naaalala ko si Shane. He’s calling me and running to me. Siya na lang ang humahatak sa akin para ituloy ang buhay. Ayokong maiwan ang anak ko. Ayokong pati siya ay magalit pa sa akin. Ayoko siyang mangulilla. He will have me.
Hindi ako bumangon hanggang sa matapos siyang maligo. I could feel that he’s staring at me even I was fully covered by the quilt. Hindi ko na naramdaman ang pag-alis dahil nakatulog na ulit ako.
I woke up with light knocks behind the door. Dahan-dahan akong bumangon, tinakip ko ang kumot sa dibdib at magpupulot sana ng damit ko pero malinis na ang sahig. I just get the white robe beside me, laying properly over the pillow. Napatitig ako roon ng ilang segundo. But knocks didn’t stop. Kaya inabot ko na iyon at walang atubiling sinuot sa hubad kong katawan. Lumapit na ko sa pintuan habang tinatali ang tali ng roba sa baywang ko.
When I opened up the door, I found Nats sweetly smiling at me.
“Magandang umaga po, Mam Ellie,”
“Good morning..” tipid kong sagot. Napasuklay ako sa sariling buhok, knowing that I just came from bed.
“Nakahain na po ang tanghalian, Mam. Pinapagising na po kayo ni Sir Ridge.”
I was halted. It’s lunch already? Nilingon ko ang wall clock, I was shock, 12:20 PM na! Napaawang ang labi ko. Ganitong oras na ako nagising sa sobrang tagal kong matulog kagabi, madaling araw.
But why is he still here?
“Hindi pa ba umaalis si Ridge?” malamig kong tanong sa kanya.
“Hindi po. Nasa opisina lang po siya sa baba mula kaninang umaga.” She informed me.
Napatingin ako sa gilid ng pinto. I don’t want to see him. “Hindi pa ako nagugutom. Gusto ko na lang magpahinga, Nats. Salamat.” I said. At bago pa siya makasagot sa akin ay sinarado ko na ang pintuan.
I went back to bed and sat on the edge. Natulala ako sa kawalan. I thought things but nothing properly arranged. Matapos ang ilang minuto ay pumasok na rin ako sa banyo at naglinis ng katawan. Sa ilalim ng dutsa ay napapahinto at natutulala. Nang matapos ay tiningnan ko ang sarili sa harap ng malaking salamin sa loob ng banyo, I scanned my body, there were red spot on my shoulder, on my arm, on my breast and on my neck. I stared at those and resumed from drying my damped hair.
Still, I lifelessly get some T-shirt and shorts and wore it. I went back to his bed while brushing my hair. I sat on bed and stared at spotless. Maybe I am hungry but cannot feel it. Binaba ko ang brush sa ibabaw ng night stand at tiningnan ang mga galos ko. Mas malinis na iyong tingnan pagkatapos kong maligo. Napatakip ako sa aking mukha nang mapahikbi. I cried and released the pain from my chest. Unfortunately, it didn’t wash away. It’s still here, still here.
Humiga ako ulit sa kama at nilubog ang mukha sa unan. I freed myself from the pang of pain in my heart. Humahapdi na rin ang gilid ng mga mata ko sa bawat landas ng luha ko. It’s sore as well as the in between my thighs. Nang maalala ang nangyari ay pinagdikit ko ang mga hita at nahiga ng maayos. I stared at the ceiling. I closed my eyes, and I opened it again. I blinked twice, thrice..hanggang sa makatulugan ko na lang ulit ang sakit sa dibdib ko.
I skipped my breakfast, lunch and even the dinner time. Paakyat-parito si Nats sa kwarto para tawagin ako at pakainin. Nang tumanggi pa rin ako ay nakita ko na ang pag-aalala sa mukha, but I still politely refused to go down and eat my food. Knowing that he was still here. I never seen him all day, and that was perfectly fine with me.
Mag aalas dyis na ng gabi nang makaramdam ng sobrang gutom at pagkabugnot sa loob ng kwarto niya. ganitong oras ay tulog na naman sina Nats at ang iba pang kasambahay, kaya bumaba ako para kumuha ng pagkain at para na rin makahanap ng gamot para sa sugat. I want it to heal fastly, dahil hindi ako papasok sa trabaho na may sugat sa mga kamay.
Madilim na sa sala pagbaba ko. I went to kitchen, patay na rin ang mga ilaw doon. Dumeretso na ako sa fridge at hindi na nag-abala pang buksan ang ilaw, liliwanag din naman pagbukas ng fridge. May ilang ulam akong nakitang nakatabi roon pero hindi naman ako matakam dahil na rin siguro na gabi. Kinuha ko na lang ang pouch ng gatas at palaman sa tinapay. I look for bread at iyon na lang ang kakainin.
I was guided only by the moonlight from the glass window. Pinalamanan ko ang tinapay at nagsalin ng baso ng gatas. The night was too quite at tanging ang nililikhang tunog ng baso, tubig at garapon ang naririnig. I can even hear my own breathing. My hands were shaking, I am starving that’s why. Agad kong kinagatan ang sandwich matapos kong palamanan. Iyon yata ang pinakamasarap na pagkaing nalasahan ko. I appreciate the bread and spread on my mouth at this moment. I took a bite again just before I could swallow the first one. Kinuha ko ang baso at lumagok ng gatas. It felt heaven when the cold milk touch my tongue too.
I am too hungry. I took the third bite—“s**t!” napatalon ako sa gulat, tumapon pa ang laman ng baso dahil sa pagkatabig ko nang may biglang may mga brasong pumulupot sa baywang ko. Madilim pa naman at agad na dumagundong sa takot ang dibdib ko. I immediately shifted on my feet and turned my head to the tall and large body who hugged me from my back. Hindi ko agad naaninag ang mukha niyang alam kong nakatingin sa akin. “Sino ka?” I immediately asked.
Pero nang maamoy ko ang katawan niya, ang hininga niya, ang samyo ng buhok niya, si Ridge ito. He hugged a bit tighter, hindi ako kaagad na nakakilos dahil doon. Binalik ko ang dating pwesto at pagalit nang nginuya ang kinakain. His face, his nose went down to my neck and pressed his lips on my skin. Bahagya kong tinaas ang bahaging iyon ng balikat, letting him know that I am flinching, wincing with his touch. Naramdaman kong tinaas niya ulit ang mukha.
Ininuman ko ulit ang baso ng gatas. My appetite faded. Pinilit ko na lang na ubusin ang hawak. Or maybe iaakyat ko na lang sa kwarto at doon kakain. Pero paano kung sumunod naman siya? So in the end, I continued and eat in the darkness while he was hugging me.
I smelled him, he’s not drunk anymore. He lightly caressed my tummy, “Ito lang ang kinakain mo?” banayad niyang bulong sa akin.
Kumagat ulit ako sa tinapay. I made a big bite para mabilis akong matapos. Uminom ulit ako ng gatas nang biglang nanuyo ang lalamunan ko at nahihirapang lumunok. Maingay ko iyong binaba sa marmol na island counter. I didn’t answer him. I continued munching my sandwich.
I can literally feel his soft breathing on my back. His soft panting, his heartbeat. At kung tama ako, ay ang mga init ng mga mata niyang nakatungo sa akin habang kumakain. Habang nagtatagal ay nasasanay na rin ang paningin ko sa dilim at naaaninag ang mga gamit sa kusina. Nakikita ko na rin ang mga malalaki niyang braso sa ibabaw ng tiyan ko. Hindi gumagalaw at nakapirme. Sinubukan ko iyong tanggalin pero hindi siya pumayag. Isang beses lang akong nagtaka, binilisan ko na ang pagkain. I took my last bite and drink up my milk, hanggang sa masaid ko ang laman ng baso.
Agad kong tinakpan ang garapon ng palaman. Binalik sa pagkakagoma ang tinapay at tinakpan ang gatas. Lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin nang bumaling ako at binalik sa fridge ang mga kinuha. Tuluyan nang nawala ang yakap niya nang hugasan ko sa lababo ang baso at kutsara. I cannot contain calm when I am angry to him. Tatahimik na lang ako muna bago sumabog. If he will get further than this, I don’t know what will happen.
Natapos ako sa ginagawa nang hindi nagsasalita. I know, he’s watching me but I don’t care. I’m done here, umalis na ako roon at umakyat sa taas. At sa takot na susundan niya ako ay nagtakip ako ng kumot at pinilit ang sariling matulog na lang. Hindi agad, kaya alam kong hindi siya sa kwarto natulog.
4 days in a row, hindi ko siya pinapansin. Not that we’re usually doing it, mas madalas naman kasi ay nag-aaway lang kami. But since that night happened, nilalayo ko na ang sarili sa kanya. Hindi na rin siya natutulog sa tabi ko, sa kwarto niya. Hindi ko alam kung saang kwarto siya natutulog at hindi ko rin inaalam. Hindi na rin kami nagsasabay sa pagkain, he choses to eat in his office. Apat na araw na rin akong hindi pumapasok sa Secret. I asked Nats for medicine para sa galos at binili niya naman ako ng isang tube ng ointment, mabisa raw iyon at mabilis na gagaling ang galos sa mga kamay ko.
Ridge and I, know that there’s a war in between us. He tried to talk to me once, nang tanungin niya ko kung papasok na sa trabaho, but I just coldly answered him with hinde,as cold as an ice. The pain subsided but the ache is still there. Wala na akong pakielam kung magalit siya ulit sa akin. He never touch me again. The hug in the kitchen, in the darkness was the last one.
Umaalis-alis siya sa umaga at uuwi ng papalubog na ang araw. Hindi pare-pareho ang alis, which means madalas siyang wala sa opisina at dito lang sa bahay naglalagi. Alam kong may pinapatakbo siyang kumpanya, he told me a bit about CGC and its building na malapit sa Secret. He can work naman siguro at home kaya hindi siya regular na pumapasok.
Pagdating ng ika-pitong araw ay halos mabura na ang galos sa mga kamay ko. The ointment that Nats gave me was effective, pati marka ay nawawala rin. Masyado na rin akong nasanay na nasa kwarto lang at nagmumumok sa loob ng isang linggo, pero dahil doon ay malaya kong nakakausap sa cellphone ang anak ko. nakakatawag ako sa bahay ni Rica, sa gabi naman ay nakakapag-video call kami. I would lock the room and video calling him. Nakapag-enroll na si Shane sa tulong ng mga kaibigan ko. Rica and Mark bought him new school supplies and brand new uniforms. Nag-iinit ang puso ko sa ginagawa nila sa amin, sa kay Shane. But Rica would always reminds me that was all fine, that I shouldn’t be worried and be ashamed. We’re all family. She treated me more than a friend. Kung pwede ko lang na sabihin ang kilalagyan ko kay Ridge, nagawa ko na. But my lips didn’t slip. Para bang nasa sistema ko na hanggang dito lang, Ellie. Ridge is way more powerful that you can imagined. He can throw you hurtful words and hurt you. What about his family? They can crush me bits by bits. I cannot trust the fate of my son to that.
After a week ay nakapasok na ako ulit sa Secret. Wala akong choice kundi ang magpahatid kay Ridge. Walang kibuan sa hapag-kainan, sa loob ng sasakyan niya. He didn’t look at me, I can see it on my peripheral vision. Hininto niya ang sasakyan sa tapat ng Secret and I just went out without saying anything and looking at him. Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ang pagharurot niya ng kotse. The screeching tires were angry. Tinitigan ko ang pag-alis niya at naningkit ang mga mata roon. That’s the best of him, being angry and show it by doing stupid things.
“Good morning, Ma’am Ellie.” Emma greeted me when I came in.
I smiled at her, “Good morning.′ I simply said. Nag-aalangan pa akong makipag-usap sa kanya, knowing that they talking about me behind my back. Thay don’t like me.
The other staff greeted me too. I shouldn’t be surprised na hindi naman sila nag-alala na hindi ako pumasok ng isang linggo habang nagpapagaling. Ofcourse, hindi ko rin sasabihin ang dahilan. Hindi ko pa rin alam kung sinabi ba nila kay Ridge na maaga akong umalis noon at hindi nga nakabalik, o dinatnan niya na lang ako na wala rito. I don’t want to fish anything and I remained casual about it.
Pagdating ko sa mesa ay nakita ko ang iilang mga folder doon. Kumunot ang noo ko dahil walang patong-patong na gagawin, I only see some see-through folders and an USB. Binuksan ko ang computer saktong pumasok rin sa opisina si Emma.
“Nasa USB po iyong mga bagong designs, Ma’am,” she told me.
Tumibok ng mabilis ang puso ko, sa excitement. In the end, I just nodded at her and take a look at it. Sinasaksak ko ang USB at binuksan ang files. I saw a Secret name and documents of different designs were there. Naka-drawing iyon at iniscan. My lips parted a bit when I saw them, they are stunningly beautiful! It has delicate designs that embroided in its angle. They are necklace, bracelet and earrings too. I can even imagine them holding on my palms, caressing and my eyes gleaming on it. Dahil doon ay nakaisip agad ako ng sariling design. If you will ask me, I will approve all of these and put it on sale. I love all of them.
Umandar ang oras at araw ko na roon tinuon ang atensyon. Kahit na maulan na at medyo malakas ang hangin ay sinisipag pa rin akong pumasok sa trabaho. I made some designs pero hindi pa ako satisfied kaya hindi ko muna pinapakita sa kahit na sino, at sa opisina ay pinapanood ako ni Emma habang nagdo-drawing. Hapon ng araw na iyon ay nakatanggap ako ng text galing kay Rica.
Rica: Nilalagnat ngayon si Shane. Naulanan nang maglaro sa labas.
Halos umangat ang puwitan ko sa computer chair nang mabasa iyon. I replied,
Ako: Pupuntahan ko ngayon.
Nagmadali ako sa pagliligpit at nasa isip ang anak. Nag-angat ng tingin sa akin si Emma mula sa ginagawa sa kanyang computer. I glance at her and continued grabbing my things.
“A-aalis ako sandali, Emma. I have an emergency..”
“Noted po, Ma’am. Uuwi na po ba kayo?” she interestedly asked me.
“No. Babalik din agad ako rito.” Though, I’m not sure. Anak ko ang pinag-uusapan dito.
May customer sa labas and I just nodded at them at saka lumabas na ng tindahan. Patakbo na akong pumunta sa isang Pharmacy at bumili ng gamot at cool fever, iyon ang madalas kong gamit kapag nagkakasakit si Shane. We’re used to that at mabisa iyon sa kanya. Dalawang pack ang kinuha ko, pero nagkamali pa yata ang pharmacist sa pagkuha at iyong isang pouch ay pang-adult. Nasa taxi na ako nang mapansin iyon. Pagkarating ko sa bahay nina Rica ay malalaking hakbang ang ginawa ko pagpasok doon, hindi na ininda ang bumabagsak na ulan sa akin. Si Manang ang nagbukas ng pintuan.
“Oh, nabasa ka pa ng ulan, hija. Wala ka bang dalang payong?” she asked me, as she helping me combing my damped hair.
“Wala po. Akyat na po ako roon,” paalam ko kay Manang.
Mabilis naman siyang tumango sa akin. “Sige, sige. Nasa taas rin si Rica.”
Umakyat na ako roon at pumunta sa kwarto ni Shane. Sa loob ay naabutan kong nasa tabi niya si Rica habang pinupunasan ang kanyang noo ng basang bimpo. He’s barely sleeping and when he saw me, his face lifted up.
“Mommy!” mahina niyang tawag sa akin pero naroon pa rin ang saya sa pagtawag.
Pinirme ni Rica ang bimpo sa noo niya at tiningnan ako. “Sabi ko na nga ba at wala pang isang oras nandito ka na agad,” natatawa niyang sabi.
Agad akong lumapit at naupo sa sa tabi ng anak ko. Dinantay ko ang palad sa kanyang leeg, mainit nga.
“Kakalagay ko lang ng temperature, sinat lang naman, nasa 37.7 ang taas,” Rica informed me.
Binaba ko ang bag at tiningnan ang maliit na stainless bowl na pinaglalagyan ng cube ice at kaunting tubig sa ibabaw ng maliit na mesa. Mayroon din doong isang botelya ng gamot. “Nakainom na siya ng gamot?”
“Ayaw. Hindi raw kasi iyon ang iniinom niya,”
Napangiti pa ako. My son still know what I told him before. Mula sa bag ay nilabas ko ang biniling gamot niya pati ang cool fever. Rica assisted me, inihanda niya ang isang baso ng tubig, kutsara. Tinulungan ko naman si Shane na makaupo muna. I’m still thankful hindi naman ganoong katamlay ang anak ko. Nagagawa pa ngang ngitian ako.
“Pero nakakain na naman siya ng kaunting kanin. Nagpaluto na ako ng sopas kay Manang.”
“Maraming salamat, Rica. Naabala na kita ng tuluyan.” Sabi ko. Hindi na siya nakapasok sa trabaho.
Walang tangging sinubo ni Shane ang pinainom kong gamot. Orange flavor naman iyon kaya hindi mapakla masyado ang lasa. Halos maubos niya rin ang isang baso ng tubig. I removed the towel and put the one patch of cool fever on his forehead. Napapikit siya ng gawin ko iyon. Tinanggal ko rin muna ang kumot at pinunasan ng malamig na bimpo ang buo niyang katawan. The window is partly open, medyo mahangin kaya binaba ko ang kurtina. The aircon is off, naka-fan lang.
“Don’t mind it, Ellie. Napasarap lang talaga ang pakikipaglaro ni Shane sa labas kaya naabutan ng ulan kahapon. Pagkagising namin ay sinisinat na siya. Pinatakbo ko si Mark at pinabili ng prutas,” natatawa niyang kwento sa akin.
“Nakakahiya kay Mark. Baka sabihin niya inaalila natin siya,”
She laughed, “Hayaan mo siya. Close sila ni Shane kaya ganyan ’yun. Naiinggit na, gusto na ring magkaanak ng loko.”
I smiled at her. I saw sparks in her eyes when I heard it. “Edi pagbigyan mo na.”
She leaned a bit and whispered, “Hindi pa nga nagpo-propose kaya nganga siya sa akin.” sinilip niya si Shane at saka umayos ng upo, “Si Shane kung anu-ano ang kinu-kwento kay Mark. Iyong mga naririnig niya sa amin ni Manang, dumederetso sa kanya kaya lumalaki ang ulo nu’n e. Kung minsan nagseselos na ako kasi mas close siya sa boyfriend ko kaysa sa akin na Ninang niya.” kunwari niyang lungkot.
Tinulugan naman siya ng anak ko habang hawak ako sa kamay. “Narinig ka niya kaya makakarating din kay Mark,” I told her and resumed from puting cold towel on Shane.
“Shane be faithful to your Ninang, please.” She whispered to him. Napangiti ako nang ngumisi ang anak ko at sa huli ay nakatulog din.
Nang dumating si Mark ay binati niya lang ako at sabay na silang bumaba ni Rica. Paulit-ulit kong pinunasan ang anak at maya’tmaya kung i-check ang temperature niya. Hindi naman na sumasampa sa 38 degrees ang init. Dalawang oras ang lumipas ay bumaba na rin ang sinat niya at naging 36.9, pinagpapawisan na rin siya kaya pinalitan ko ng damit.
Jutst before 4PM ay nagpaalam na ako kina Rica, Shane was still sleeping kaya hindi ko na inistorbo. Nagligpit ako ng ilang gamit sa kwarto niya at inayos ang gamot sa lamesita. I kissed him on his cheeks and left him in his room soundly sleeping. Hindi na nagtaka ang dalawa sa maaga kong pag-alis. I don’t know.
I went back to Secret.