Chapter 38 Ellie Nang pinasok ako sa delivery room ay doon lamang nahiwalay sa akin si Ridge. Pero kanina nang ibaba ako sa strecher ay ayaw niya akong bitiwan. Natatakot ako at nininerbyos sa sakit na nararamdaman. Hindi ko pa kabuwanan at natatakot akong may mangyaring hindi maganda sa anak ko. Nilapitan ako ng doktora at may tinanong na kaunti. She checked me first. Ang sabi sa akin ay kailangan nang ilabas ang bata. Masakit na masakit na ang tiyan ko. Napapapikit at hiyaw ako sa guhit ng sakit nito. Pero nang bumalik ulit ang doktora ay magkasalubong na ang kilay nito at nakakunot ang kanyang noo. Tiningnan niya ako habang nasa aking mga paanan. “Misis nagwawala ang asawa mo sa labas. Akala yata niya ay mas marunong pa siya sa amin,” she said. Napangiwi ako. “Pasensya na ho, dokt