Chapter 28 Ellie Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanilang dalawa. Ni hindi ko magawang sundan ang anak para kausapin dahil naunahan ako ni Ridge. Gusto kong ipaliwanag kay Shane, pero paano kung siya mismo ang nakakita sa pagsampal ko sa ama niya? Napayuko na lang ako sa lamesa at na-frustrate sa sarili. I was thinking of another explanation, nang maramdaman ko ang pag-asim ng aking panlasa at pag-akyat ng mapait na likido sa aking lalamunan. Agad kong tinakpan ang bibig at tumayo, dumukwang ako sa lababo at doon sumuka. Hindi ko makontrol ang aking lalamunan, sumakit ito at tila naninigas sa pagpwersa. Inilabas ko na yata lahat ng kinain ko ngayong umaga. My eyes pooled by my unwanted tears. Hindi ko kaagad namalayan ang isang mainit na kamay ang humahagod sa aking likuran at hi