Chapter 30 Ellie Hindi niya sinagot ang tawag. Tita Cons said that maybe he was too busy to answer his freaking phone. Kaya sa maghapon ay inalu ko ang anak ko. Nilabas ko na rin siya para malibang. Sinama sa OBGyne at kumain kami sa labas, pero pag-uwi ay hinahanap pa rin ang Daddy niya. I tried to call him, he didn’t answer. So, I texted him. Ako: Hindi ka ba pwedeng makausap ngayon? Hinahanap ka ni Shane. Umiiyak na kakahanap sa ’yo. I sighed. Hindi pa man din nagsasama ang dalawa ng isang araw ay sobra na kung ma-miss ng anak ko si Ridge. Napalingon ako kay Mama Lian nang maramdaman ko ang paghawak niya sa aking balikat. She gave me a motherly smile. “Nag-reply na ba?” banayad niyang tanong sa akin. Tiningnan ko ang cellphone, still, wala pa ring sagot. Umiling ako. “Hindi pa po