MILES Mapait akong ngumiti nang makitang alas otso na ng gabi. I can't believe this. Gabi na, pero nandito pa rin ako sa office. Seriously, nagpatakot ako kay Nate nang magbanta siya sa 'kin? Nagsisimula na ang ulan. And I hate this kind of weather. Hindi na naman ako mapakali kapag ganitong umuulan at may bagyo. And I doubt it kung natatandaan pa ni Nate na may phobia ako kapag ganitong may kulog at kidlat. I'm waiting for him gaya ng utos niya. Pero, mukhang nakalimutan na niya yata talaga ako. Pumasok ako sa opisina ni Nate para ipasa ang proposal namin sa darating na project meeting next week. "Sir, this is the proposal of our team. Paki-review na lang po kung may hindi kayo gusto at may mga pagbabago sa plano," sabi ko sabay lapag ng folder sa mesa niya. "Okay. Just leave it the