NATHAN "Seriously, guys, what are we doing here?" tanong ko sa Blue Orions. Nandito kasi kami sa isang kanto kung saan tanaw ang bahay nina Miles. Nakasakay kami sa isang malaking van nina Dave. At para lang naman kaming nag-eespiya dito sa labas. Parang mga tanga at gago lang sila. Tsk. Mga nakatanaw kami sa may gate ng bahay nina Miles at wari bang may inaabangan kami. "Manood at mahimik ka na lang diyan, Nathan," masungit na sabi ni Deus. "Pagkatapos mong tanggihan ang alok naming tulong kahapon, saka mo kami iistorbohing lahat at sasabihin ang salitang 'I need your help, guys'? Aba! Kahapon pa expired ang tulong namin. Kung hindi lang kami naaawa sa 'yo, nunca na tulungan ka namin ngayon." Binalingan ko ng masamang tingin si Juice. "Akala n'yo ba gusto kong humingi ng tulong sa