Chapter Fifteen: “Idol talaga ako ng baby girl namin, kaya ‘yan nag-nurse ay dahil doctor ang Kuya n’ya!” Mayabang na sabi ni Kuya Manuel. Tulala ako habang tinitingnan silang lima na nag iinuman. Ang sabi n’ya kanina, kaunti lang daw ang iinumin nila, pero ngayon, hindi ko na mabilang kung ilang bote ng beer ang nainom nila. Padagdag sila ng padagdag, pati iyong beer na nasa ref namin ni Girly, pinatos na. Hays, nakakainis talaga. “Huwag mong tawaging baby girl ang girlfriend ko!” Naiinis na sabi ni Ivo. Nasapo ko na lang ang noo ko, maski si Ivo ay nalasing na. May pasok pa naman ‘yan bukas, naku po! “Hindi porque girlfriend mo na ang baby girl namin, hindi na namin s’ya pwedeng tawaging baby!” Naiinis na sabi ni Kuya Jin. “Oo nga! Kami pa rin ang original love n’ya!” Gatong pa ni

