CHAPTER 33 (Nami's POV) "Ok ka lang ba talaga?" nag aalala ang mukha ni Kylie habang nakatingin sa kanya. Habang masama naman ang tingin na binigay nito kay Yu. "I'm sorry ok? Di ko sinasadya yun. Akala ko kasi may ipis kaya nag panic ako. I tried to kill it silently without you knowing. Alam kong takot tayong lahat sa ipis. Sino bang hindi?" naka cross arms pa ito habang nakatingin sa paa niyang nilagyan ng band aid ni Kylie. Andito sila sa clinic ng restaurant at dito nga siya ginamot ni Kylie habang yung isa ay kanina pa siya iniirapan. Buti pa si Kylie. Wifey material! Eh si Yu. Mula ng bumalik parang lumala ata ang sungay! Napaismid siya habang tinititigan ito. Selosa! Tinaasan siya nito ng kilay saka siya sinimangutan. Tsaka pano nito nakita ang ipis sa baba ng lamesa? She