Chapter 3

1141 Words
Chapter 3 Shem's POV Past "Buti na lang hindi ako nalasing kagabi." Sabi ni Akie sabay hawak sa ulo. Papasok na kami sa school. Hindi nga pala namin kasabay si Mario, may LBM daw kaya pala biglang nawala kagabi. Kasama ko ngayon si Akie sa kotse ko. Kuripot 'yang si Akie ayaw bumili ng sariling kotse kaya laging sumasabay sa akin. "Ah." bulalas ko pero sa daan pa rin nakatuon ang atensyon. "Kaya pala pumunta ka sa pool at hinahanap mo si Nemo. Tapos tinanong mo syota mo kung single siya kaya nagbreak tuloy kayo. Tinawagan mo pa nga sarili mo at nagalit ka, kasi busy yung cellphone mo. Pumasok ka pa nga sa cabinet ko at sabi mo pa "PUCHA! ASAN YUNG NARNIA?!" Ibinato mo pa si Bugs," tinutukoy ko ay ang pusa ko, "at sabay sigaw ng "GO PIKACHU! THUNDERVOLT ATTACK!" At halos hindi ka na nga makalakad para lumipat sa unit mo. Kaya putangina, h'wag kang mag-alala. Hindi ka nalasing kagabi." "Salamat pare, hindi pala ako nalasing talaga." Kung hindi lang ako nagmamaneho baka napatampal na ako sa noo. Shit. Nakalimutan kong bobo nga pala itong si Akie. "Has your brain went down to the drainage or it went down to your balls?" Tumawa siya. "Joke lang, Shem. Masyado ka namang hot." "Matagal na akong hot." Pagdating namin sa school ay ni-park ko na ang kotse ko sa parking lot. Pagkatapos ay pumasok na kami sa building. "Ay 'tol, anyare d'yan sa mukha mo? Bakit may black eye?" "Tangina, p're!" Inis na sambit ko. "Sinuntok ako nung amasonang puti na 'yon." Sinuntok kasi ako ni Asherina kagabi dahil hinalikan ko siya. The fuck just happened?! Nakakabawas pogi points ang ginawa niya. "Amasonang puti? Sino 'yon?" "Yung bagong estudyante natin, hinalikan ko kasi." "Woah! For the first time in history may babaeng umayaw sa'yo?! Wala ka pala doon, e! Immune ata sa charm mo?" Humagalpak pa siya ng tawa. Nag-igting ang panga ko. "Bakit hindi tayo magpustahan?" "Pustahan?" Hindi muna ako nagsalita dahil may dumaang babae sa harapan namin, si Ems 'yon na bigla ring nawala kagabi pagkatapos mag-cr. She was holding her phone at the moment as she smiled at us, "Sorry, Shem, biglang sumama pakiramdam ko kagabi kaya umuwi na ako." "How about after class?" Tanong ko sabay yakap sa bewang niya, tumigil kaming tatlo sa gilid, malapit sa locker. She bit her lower lip and fluttered her eyelashes, "Sure." "Pre, anong pustahan?" Biglang singit ni Akie. "Pustahan?" Takang tanong ni Ems. Nginitian ko lang siya bago hinarap si Akie, "Yep." "Anong pustahan naman?" Tumawa ako saglit, "Papain-love-in ko si Asherina Kenzai sa akin." "Pagktapos?" Napansin kong saglit na tumigil si Ems tapps tumingin siya sa cellphone niya at pumindot, tinuloy ko naman ang explanation. "At kapag nainlove siya and if I manage to do her and drop her like a hot potato. Ako panalo sa pustahan?" "Mukhang maganda 'yan, pero papano ko naman malalaman na naikama mo na siya?" Ems giggled at that, causing my smile to turn into a sinister grin, "Simple lang. Dadalhin ko siya sa unit ko or kung saan pwedeng lugar. But before that, maglalagay muna tayo ng video camera doon." "Parang porn video?" Natatawang tanong ni Ems. "Yes, babe, wag ka maingay ha." "Then boom!" Tuwang tuwang sabi ni Akie. "Magkano naman ang pustahan?" "Half a million?" "Ang laki!" "Takte! Kuripot ka talaga. Ang yaman yaman mo, may negosyo ka pa nga. Ano na? Call?" "Ahhh....call." tapos naghigh five kami. Mapapasa-akin din si Asherina Kenzai. Pakitatak sa bato ni Darna. "Speaking of the she-devil." I smirked. Nakita kong naglalakad si Asherina kaya binitawan ko si Ems upang lapitan siya, iniwan ko sila Akie. Nagulat si Amasonang puti a.k.a Asherina Kenzai nung bigla ko siyang inakbayan. Tumingin siya sa'kin at nanlisik ang mga mata niya. If looks could kill, baka bumalagta na ko dito sa sahig ng walang buhay. "Yung kamay mo." "Anong problema? Anong meron sa kamay ko?" painosenteng tanong ko. "Nakaakbay ka kaya!" "Nawalan ng gravity kaya ganyan 'yan." "Bastard!" She hissed. Sisikuhin niya sana ako pero nakailag ako. Tinawanan ko siya pero inirapan niya lamang ako pagkatapos ay naunang pumasok sa room. "Goodluck sa'yo!" tinapik ako sa balikat ni Akie bago pumasok sa loob. Pagpasok ko sa loob ay biglang sumama ang paningin ko sa nakita. Paano kausap na naman niya si Nico, panay ang pa-cute lang naman. 'Yang Nico na 'yan, gwapo lang pero walang bayag. E ako? Mas gwapo at kompleto ang nasa baba. ★★★ Pumunta ako ng rooftop pagkatapos ng klase. Trip ko lang magpahangin at mapag-isa pero nagkamali ako, may ibang tao sa rooftop. Naririnig ko ang boses niya at mukhang pamilyar. Nangunot ang noo ko. Hinanap ko ang pinagmulan ng boses. Galing 'yon sa kabilang banda ng rooftop, nagulat pa ako nang makita kung sino iyon. Si amasonang puti iyon, mukhang may kausap pa sa phone at parang papaiyak na. "Amaso—Asherina?" Tinapik ko siya sa braso. Gulat na humarap siya sa akin. "What are you doing here?!" parang galit ang boses niya. Ibinaba niya ang cellphone niyang hawak. "Malamang magpapahangin, rooftop 'to eh." "I know right!" Umirap siya, lalagpasan sana niya ako pero pinigilan ko siya sa braso. "May... problema ka ba? You can share it to me." "Kung may problema man ako wala ka ng pakialam doon! Bitawan mo nga ko." "I am trying to be nice here... so please, sabihin mo kung ano ang problema mo at baka makatulong ako." Bigla siyang bumunghalit ng iyak. Saglit akong nagulat sa inasta niya, kasi malayong malayo to sa matapang na babaeng nakilala ko noong una, niyakap ko naman siya at inalo. "Bakit ganun?! Bakit ganun?! Akala ko tunay ko siyang..." Ngawa siya ng ngawa at kung ano ano ang sinasabi pero hindi ko naman maintindihan. Kumirot ang puso ko. Bakit parang naawa ako sa kanya? I knew that I am not capable of this feeling. Matagal ng wala ang dating Shem simula ng... Fuck. Don't go there, Shem. Matagal mo ng kinalimutan ang iyong ina. Ilang minuto rin siyang umiyak pero kalaunan ay tumahan na rin. Bahagya siyang lumayo sa akin at napasinghap pa nang makita ang uniform ko na nabasa niya. "Okay ka na? Maari mo na bang ikwento?" I chuckled a bit. "Ayos lang kahit hindi mo sabihin ngayon, maghihintay ako." "I—I'm sorry...." "Para saan? "Ka... kasi sa'yo ako umiyak... at dahil nabasa ko ang shirt mo." "It's okay. So friends?" inabot ko sa kanya ang kamay ko. "Friends." Nakipagkamay siya na may ngiti sa mga labi. Maganda siya kapag nakangiti, hindi siya nagmumukhang amasona. "Sorry nga pala doon sa mga katangahang ginagawa ko." "Okay lang. Kalimutan na natin 'yon." Yeah! Because the game will start now. An evil smile formed on my lips.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD