"Pasabi naman sa kanya, magkita kami oh.." Sabi sa akin ni Faith. "Sige sasabihin ko sa kanya 'yan.." Masayang nagpaalam na rin sa akin si Faith dahil kailangan na niyang pumasok kaya naman nagpatuloy na ako sa paglalakad pauwi sa bahay namin. Nang makarating ako sa bahay ay wala si Mama. Tiyak akong naglalaba 'yon sa mansion nila Marco kaya mag-isa nalang akong kumain. "Nandito ka lang pala.." Ani Marco. Nagitla ako sa ginagawa kong paghugas ng mga plato ko sa lababo. "Nakakagulat ka, Ano ba naman!" Naiinis na sabi ko rito. Nasa likod ko lang si Marco at rinig ko ang mahihinang pagtawa niya. "Galit ka ba? Sorry sa kalokohan ko.." Tuluyan na akong humarap sa kanya kahit na basa ang mga kamay ko ay nahampas ko siya sa sobrang inis ko. "Nakakainis ka naman eh! Ang hirap mong suyuin!"