Ate... Ate Spent... A-Ate... Tulong... Tulong po... T-Tulungan niyo po ako... Mabilis akong napadilat at bumangon. Pero hindi kinaya ng katawan ko ang pagkirot bigla ng sugat ko. "Renz!" tawag ko sa pangalan niya. Malinaw pa sa mga alaala ko ang nangyari. At ramdam ko pa rin ang kaba pati na ang bigat na parang may nakabara sa dibdib ko. I can't stop overthinking that something might happen to Renz. Marahas kong tinanggal ang oxygen mask at dextrose na nakakabit sa 'kin. Pinilit ko ulit bumangon at tiniis ang sakit na nararamdaman ko. "Argh sh*t..." Mahina kong daing. I can feel how weak I am right now. Nanghihina pa ang katawan ko at hindi makakilos ng maayos, and that's irritating me. I shouldn't be just lying here and do nothing. Renz is calling me, he needs my f*cking he