"Spent, pabigay nga kay Father Josiah." Inabot sa 'kin ni Tristan ang cellphone ni fiery priest na siyang inabot ko naman sa paring nasa kanan ko. "Paabot kay prosecutor." May binigay naman si fiery priest na saging na siyang inabot ko naman kay Tristan. "Ito, Spent—" "What?! Wala ba kayong mga paa?!" singhal ko kasi para nila akong ginawang tagapasa. Kumunot ang noo ni fiery priest na siyang may inaabot ulit na saging. Siya kasi ang nasigawan ko dahil sa kanya ako nakaharap. "Nagbibigay lang saging, ayaw mo?! Nagmamagandang loob na nga 'yong tao!" sigaw niya pabalik at binato sa 'kin ang saging na inaabot. Napabuntong hininga na lang ako at kinain ang saging na bigay niya. Look at this set up naman kasi. Pareho kaming tatlo ngayon na nasa hospital at may kanya-kanyang hospital b

