"Ma'am, teka lang po. Kailangan niyo po munang magpa—" "Where the hell is your boss?!" Napalingon ako sa entrance ng building namin nang parang may nagkakagulo ro'n. Kita ko ang isang babae na nag-uusok sa galit habang pinipigilan siya ng mga guards namin. Napakamot na lang ako sa ulo ko. Sabi ko na mangyayari 'to eh. Ayaw mo kasing maniwala sa sinabi ni ma'am at ayaw mo ring makipag-cooperate sa plano. It's your fault, Ms. Hagashi. We do our part, we already warning you about Spentice Viglianco. Lumapit ako sa nagkakagulo. Dapat matigil na 'to bago pa dumating si ma'am. Minsan na nga lang siya pupunta sa headquarters, gulo pa ang maaabutan niya. "I said where is your f*cking boss?! I need to talk to her!" sigaw niya ulit. "She's not here yet, Ms. Hagashi," sagot ko at sinenyas