"Spent, records ni Chief Allen Gonzales. Ilang beses na may nalalabag sa batas pero nananatili pa rin sa rango." Kinuha ko ang iniaabot ni Tristan na folder. Binuksan ko 'yon at nakita ang ilan sa mga ginawa no'ng chief of police na 'yon na labag sa batas. Of course, kapag may kapit ka at kapangyarihan, walang magpapababa ng rango mo. Kaya kahit gumawa siya ng taliwas sa batas, confident siyang hindi matatanggalan ng trabaho. Idagdag mo pang pati ang mayor ay kaalyado nila. Funny government, right? People of Sta. Lazero don't know na pinagmumukha na silang t*nga at pinaiikot ng gobyerno nila. "Drunk driving, not following the traffic lights, bullying of subordinates, assault, reckless imprudence—ano 'to? Nilabag niya pero walang kaso?" tanong ni fiery priest na binasa ang nakasula

