"Spentice!" Napaangat ako ng tingin mula sa pagbabasa sa papel na hawak ko. "What?" "Ano'ng what?! Hindi ba sabi ng doctor na kailangan mong magpahinga?! Kalalabas mo lang ng hospital three days ago, Spent! Partida tumatakas ka pa! Tapos ngayo—" Napakamot ako sa ulo ko dahil sa daldal niya. Kung makasigaw pa ay akala mo may nalunok siyang mikropono. "Shut the f*ck up, Tristan." "At bakit mo ko pinapatigil?! Alam ba ni Father Josiah na nandito ka sa office?" Ah, that priest. Isa pa 'yon. Ang kulit kagaya ng prosecutor na 'to. Masyado silang nag-aalala sa 'kin. Kung tutuusin, mas malakas pa nga ang pangangatawan ko kaysa sa kanila. I'm a mafia well-trianed. "No. And for the fifty-fifth time, I'm fine, okay? Masyado kayong exaggerated ni fiery priest." Napahawi siya ng buh