"Ay nako po ka talaga! Madrigal! Kanina pa nand'yan?" Napakamot ng ulo 'yong sakristan dahil siguro sa sigaw ni fiery priest. Hindi pa ata sanay na palaging nasigaw 'tong paring 'to kapag nasa mood. "Sorry po, Father. Kararating ko lang po," sagot ni Madrigal. Ito 'yong sakristan na palaging kasama ni fiery priest sa misa. O minsan palaging nakasunod sa kanya dahil tinuturuan niya ito ng mga dapat gawin bilang sakristan. That's what fiery priest said. Right hand na bata niya raw si Madrigal. "Ano nga 'yong narinig mo?" tanong ni Father at mabilis na nagbigay ng tingin sa 'kin. If we ever get caught by this sacristan, I should handle the situation properly. Dahil kapag nalaman niya kung ano'ng pinag-uusapan namin, hindi lang ang paghihiganti ko ang madadamay. Pati na si fier