Nang makitang nagkagulo bigla ang mga gwardiya ng Rock en Roll Club ay napatawa ako. What a fools. Dahil lang sa paputok, nagkakagulo na. Pa'no pa kaya kapag putok ng baril na ang marinig niyo? Pero napahanga ako sa galing ni Tristan um-acting. May future ang ngiti niyang may palabas ng ipin na para sa commercial ng toothpaste. "May tumawag ba ng bumbero?!" And here comes the hot tempered priest ft. firefighter. "Wala pero paki patay na 'tong paputok na 'to!" sigaw ng isang gwardiya. Nakita ko na kinuha niya ang walkie talkie niya at nagsalita ro'n. Magtawag ka ng back-up nang masunog kayong lahat. Napabalik ang tingin ko sa eksenang nangyayari. Si Tristan na tuwang-tuwa sa nakikita habang nakatakip ang tenga at si fiery priest na inuumpisahan nang ihanda ang hose. Nap