May kumatok sa office ko at mukhang alam ko na kung sino 'yon. Isa lang naman ang palaging pumupunta rito at manggugulo. Ang isang stupid idiot prosecutor. Idagdag pa na tuwing pupunta siya sa opisina ko ay nagbabadyang sumakit ang ulo ko. "Spentice Viglianco!" Bigla akong mapaangat ng tingin nang banggitin niya ang buong pangalan ko. What the f*ck is his problem?! Paano kung may makarinig sa kanya sa sinabing niyang 'yon? My identity in this prosecution office should be kept as a secret. Madalas talagang hindi nag-iisip ang prosecutor na 'to. "Oy, chill! Sarado oh, sinara ko ang pinto bago isigaw ang maganda mong pangalan, binibini," depensa niya agad nang mapansing nakatingin ako sa kanya ng masama. "Pasalamat ka at maganda ang ginawa mo sa trial kaganina." Maangas siyang