Para akong nawindang dahil sa nakikita ko. At alam kong hindi lang ako nagulat.
I don't know that my father owns all of this f*cking golds.
Yes, mafia boss siya at malago ang negosyo kaya normal lang ang mga ganito. But to tell you frankly, my father also has lots of money stored in different private banks.
Pero hindi na nga naman dapat ikagulat 'to. Nagulat lang talaga ako dahil ito ang unang beses na nakita ko ang mga ginto ni Dad.
"Kanino nga ulit lahat ng mga gintong 'to?"
"It's my Dad," sagot ko agad.
Punong-puno ang bawat sulok at pader ng mga gold bars. Mga ilang hilera rin at patong ng gold bars ang nandidito. At may mga baul pa na ang laman ay puro gintong alahas. May malaki ring gintong buddha sa gitna.
Hinawakan ko isa-isa lahat ng mga ginto at tinimbang sa kamay ko.
"This is a real golds."
"Malamang. Kitang-kita naman, Spent. Ang yaman-yaman niyo na tapos may mga ginto pa kayo, baka gusto niyong ipamigay sa mahihirap 'yong iba rito."
"It is not something I should decide of. Ang tatay ko ang magdedesisyon sa gagawin niya sa mga 'yan. Pinaghirapan niya 'yan kaya kanya 'yan at hindi sa 'kin."
"Sus, parang hindi ka naman anak niyan. Isa pa, ang dami niyo na sigurong ari-arian at mga pagmamay-aring lupain sa dami ng pera niyo."
I scoffed.
"No. Mafia boss nga ang tatay ko pero iisa lang ang bahay namin mula pagkabata ko pa. Wala kaming resthouse o sariling villa o pagmamay-aring lupain bukod sa bahay namin at ang hideout namin."
Kasi sabi ng tatay ko, ayaw niyang lumipat ng bahay dahil memorable sa kanya ang bahay namin ngayon. Punomg-puno ng mga masasayang memories daw.
Of course, it's because of my Mom.
Childish si Dad sa 'kin pero at the same time, sweet siya at sobrang mapagmahal na asawa.
At ayaw niya rin gumastos nang gumastos kahit na pasok naman nang pasok sa 'min ang pera. May pinag-iipunan daw kasi siya at sasabihin niya lang sa 'kin 'yon kapag naidala ko na sa Italy ang mga ginto niya.
Gulat na napatingin sa 'kin si fiery priest.
"Oh? Are you telling the truth o pa-humble ka lang?"
Nagkibit balikat ako. Kung ayaw niyang maniwala, eh 'di huwag.
"It's true."
Kinuha ko ang cellphone ko at kinuhanan ng video ang paligid.
A proof that I already seen my father's golds. At ise-isend ko 'to sa kanya maya-maya.
"Okay, sabi mo eh."
Tumingin ako kay fiery priest.
"Now, nakita mo na ang mga ginto. May balak ka pa rin bang tulungan ako? Tulungan akong mailabas ang mga ito rito?"
"Depende. Ano ba munang plano mo?"
"Isantabi muna ang mga ito at unahin ang Nassoni Mafia."
"What I mean is sa mga ginto kung ito na ang aasikasuhin mo?"
Ah 'yon ba tinutukoy niya.
I sighed. "Wala pa."
Dahil ang sabi ko noon kay Father Jacob ay titingnan ko muna ang mga ginto bago mag-isip na naman ng plano. But unexpected things happened.
"What?! Hihingi ka ng tulong sa 'kin pero wala ka pang plano kung pa'no ba 'to mailalabas?"
"Mag-iisip pa lang, okay?"
Inikot niya ang tingin niya sa paligid.
"Spent, hindi natin mailalabas lahat ng 'to nang tayong dalawa lang."
"We can ask for some help to Tristan?"
"Hindi pwede. Maghihinala sila brother and sister pati na ang mga nakakataas kapag maraming pumapasok dito sa simbahan nang walang misa."
So, pa'no namin mailalabas ang mga ito nang walang nakakapansin? At kaming dalawa lang ni fiery priest?
"Actually, I have plans before. Plano kong ipagawa kay Father Jacob itong kwarto na ito na bagong kumpisalan."
Kita kong naging interesado siya sa sinasabi ko.
"Continue, Spent."
"Then mangungumpisal ako sa kanya four times a week dahil kunyare ay isa akong makasalanang tao—"
"Which is true. Makasalanan ka naman talaga dahil parte ka ng mafia na may illegal na gawain."
What the hell?
"Fine! Maisingit lang talaga eh." Napairap pa ako na saglit niyang ikinatawa.
Itigil mo 'yang pagtawa mo, Father. Baka makalimutan kong pari ka.
"Next na sa plano," pagbabalik niya sa pinag-uusapan namin.
"Ayon nga. Mangungumpisal ako kunyare pero isa-isa ko nang nilalagay ang mga ginto sa bag na dadalhin ko at ilalabas dito."
"Tapos? Saan mo ilalagay ang mga gintong 'to kapag nailabas mo na rito?"
That's the question.
Because I got no idea where I can put it and be sure that it's safe.
"Pag-iisipan ko pa," sagot ko na lang.
He crossed his arms while looking at the golden budha.
Mukha siyang nag-iisip sa itsura niya ngayon kaya pinabayaan ko lang.
Napatingin din ako sa golden buddha pero may napansin akong kakaiba ro'n nang matitigan kong maigi.
Nilapitan ko 'yon at pinagmasdan ng maigi.
Is this a real golden buddha? Bakit naman pati 'tong golden buddha na 'to ay nasama sa mga golds ng tatay ko?
Kinatok ko ang buddha at inobserbahan. It looks like a real gold.
"Hoy, Spent. Ano'ng meron?"
Hindi ko pinansin ang tanong ni fiery priest at mas piangtuonan ng pansin itong buddha na 'to.
May maliit na black button sa tenga ng buddha. Iyon ang napansin ko nang matitigan ko 'to.
What is this button?
Pinindot ko 'yon at parang may bigla kaming narinig na nag-click na tunog.
"Ano 'yon?"
"Father, ihanda mo sarili mo."
Kasi hindi ko rin alam kong ano'n- meron sa button na 'yon.
Inikot ko ang paningin ko sa paligid ulit. Napansin kong gumalaw ang isang baul na nakadikit sa pader kanina pero may awang na ngayon.
Mabilis akong lumapit do'n at itinabi pagilid ang baul.
Pansin kong nag-angat ng konti at nagkaroon ng pagitan ang ibaba ng pader na ito at sahig.
"Hindi kaya secret door 'yan gano'n?"
"Maybe?"
Unti-unti kong inangat ang pader na akala ko ay pader.
It's a solid wood disguise as a wall.
Lumapit sa 'kin si fiery priest at tinulungan din akong iangat ang inaangat ko.
Pumasok ang liwanag nang maiangat namin 'yon ng kaunti. Sakto na para masilip ko kung ano ba ang nasa nito.
"Wait," pigil ko kay Father nang iaangat niya pa iyon.
Sumilip ako sa baba at nakita ang labas ng simbahan. Nasa gilid ng simbahan ang pwepwede naming daan palabas at dito rin pwedeng ilabas ang mga ginto sa madaling paraan.
"Nasa labas na 'to ng simabahan, fiery priest."
"Sabi sa 'yo secret door 'to eh."
Umayos na ako at sinara na ulit namin ang secret door daw. Narinig ko ulit ang pag-click na tunog na mukhang nag-lock ng kusa ang pinto
This is really a safe place after all. Sinigurado talaga ni Dad na secured ang taguan ng mga ginto niya at hindi basta-basta.
Binalik ko rin sa ayos ang baul na iginilid ko saglit.
"Now, we already have plan A and plan B. Plan A ang pangungumpisal act at ang Plan B ay direktang ilalabas ang mga ginto d'yan."
Tinuro ko ang secret door na nadiskubre namin.
"Ang tanong muna ay saan mo ilalagay?"
Oo nga pala. Wala nga pala akong malalagyan ng mga ito.
"Sa— May maisa-suggest ka ba kung saan pwede?" tanong ko.
Sasabihin ko sana sa bahay niya. Sa tinutuluyan ko muna itatago. Sa second floor niya.
Pero tatanungin ko muna kung papayag ba siya o hindi.
"Sa bahay ko lang ang naiisip ko. May isa akong kwarto na hindi nagagamit at walang bintana do'n na tingin ko advantage para sa mga ginto niyo. Dati kong stock room iyon pero nilinis ko kaya wala nang nakalagay. Malaki ang space ng kwartong 'yon at tingin ko naman magkakasya 'to."
Hindi ko alam kung bakit biglang pakiramdam ko ay nagui-guilty ako sa ginagawa ko kay Father Josiah. He's a priest and he's not allowed to do this but he's helping me without saying anything.
Oo gusto niyang tumulong at ginagawa niya 'to dahil kay Father Jacob.
He knows that I will give justice to Father Jacob and hoping for it kaya gano'n.
"Are you sure you're willing to help me with these golds?" tanong ko na kusa na lang lumabas sa bibig ko.
"Yes? Ilang ulit ko ba sasabihin sa 'yo, Spent, na tutulungan kita? Ako na ang kapalit ni Father Jacob na tutulong sa 'yo."
Does my father felt this kind of guilt too sa mga ginawa niya noon kay Father Jacob? Starting from the lies and asking him to take care of his golds?
"Pati ba sa Nassoni Mafia ay tutulong ka—"
"I'm really sure dahil may dahilan ako kung bakit tutulong ako sa pagpapabasak sa mafia na kung ano man 'yan."
Bumuntong hininga ako.
Okay, Spentice Viglianco, siya na nagsabi na may dahilan naman siya kung bakit niya ako tinutulungan.
"Nag-aalala lang ako sa 'yo. You hate criminals but you're here helping me knowing that I'm a criminal too."
"Stop that kind of thoughts, Spent. Kriminal ka pero hindi kagaya ng ibang kriminal. Basta iba ka sa kanila, the end. Ano nang gagawin natin ngayon?"
This priest is really one of a kind.
Ang tino niya kausap ngayon. Pero alam ko maya-maya ay magbabago na naman 'yang mood niya.
"Alright—"
Napatigil ako nang biglang tumunog ang cellphone ko.
Sinagot ko agad ang tawag nang makita kung sino ang tumatawag.
"Tristan, bakit?"
[Spent! 'Yong babaeng manager ng Fantasia Club na sinabi mo sa 'kin kaganina...]
"What about that manager?"
[Nagpunta rito ang nanay niya para manghingi ng tulong at bigyan ng hustisya ang nangyari sa anak niya. Patay na siya, Spent. Patay na 'yong babaeng manager na tumulong sa 'yong ipakita ang footages sa club nila!]
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig na balita. Bumilis din ang pintig ng puso ko dahil sa unti-unting galit na namumuo.
"D*mn it!"
Pati siya nadamay?!
Wala siyang ginawang masama for f*cking sake!
[Eto pa malala, Spent. Sa katawan ng biktima may nakasabit na karatula. At ang nakasulat ay "Keep going, S. Viglianco!". Palagay ko ay ikaw ang tinutukoy rito, Spent! T*ngina!]
F*ck them all.
Sigurado ako na may kinalaman dito ang manong na nagbabantay sa surveillance room nila.
Kahina-hinala ang kilos ng lalaking 'yon.
"Papunta na ako."
Binaba ko na ang tawag at marahas na napahawi sa buhok ko.
"Bakit?"
Napakagat ako sa labi ko bago ikwento sa kanya ang nangyari. "May nadamay na inosente sa ginawa kong imbestigasyon sa Fantasia Club. Pinatay nila ang manager ng club na 'yon na tumulong sa 'kin na ipakita ang footages nila. Bullsh*ts."
Kita ko kung paano kumuyom ang kamao niya dahil sa ibinalita ko.
"Mas masahol pa sila sa hayop. Hindi na tama ang ginagawa nila."
That's a mafia thing and doing, fiery priest.
"Literal na mga animal at walang puso ang lahat ng nasa mafia. May natitirang kabaitan pa ang iba pero kakaunti na lang ang gano'n sa mundo ngayon."
Kakaunti na lang din naman ang mga taong tumutulong sa kapwa nila ngayon. Kagaya lang din ng galawan sa mafia, kakaunti lang ang nagbibigay ng awa sa kapwa nila.
"Let's go," yaya ko sa kanya at nauna nang umakyat pataas ulit.
Sumunod siya at sinigurado muna namin na saradong-sarado ang vault. Binalik ko na rin ulit ang sahig na nagtatakip do'n pati na ang upuan.
Lalabas na sana ako nang magsalita si feiry priest.
"Palagay ko dapat mong unahing imbestigahan ang may-ari ng club."
I smirked.
Iyan din ang nasa isip ko.
Rocky Hagashi is my first target.