WMS32:Luxe

2133 Words
"Gabrielle. . ." Gabrielle wiped her tears heedlessly when she heard the familiar voice. Her mother's voice. She took a deep breath before she decided to get up and face her mother. "Mom?" mahinang wika niya nang malingunan ito sa pintuan ng kan'yang maliit na gym. "Are you okay, dear?" tugon nitong tinatanong kung okay lang siya. She's Miranda Sandoval. A sophisticated woman in her fifties. Hindi ito kinababakasan ng pagtanda. Napalunok si Gabrielle bago sinagot ang ina habang papalapit siya dito. "I'm fine, mom!" she answered, smiling. She was trying to be cheerful and not to make her mother worried. "Are you sure?" muling wika ng ginang at lumapit sa kanya para makipag-beso. "Of course, mom! Ako pa ba?" tugon ni Gabrielle at umakbay sa ina. Magkaagapay nilang tinungo ang sala at naupo doon. "But mom, what makes you come here? Biglaan yata?" "Bakit masama bang dalawin ang nag-iisa kong prinsesa?" birong tugon ng ginang. "Hindi syempre pero madalas kasi tumatawag ka muna at tinatanong if I'm home or not, bago pumunta dito," aniya na bahagyang iniwas ang tingin. "I've been calling you since you left your Dad's office. Nandoon ako para sa usapan namin ng Daddy mo but I saw you rushing to the elevator down to the car park kaya alam kong may ginawa na naman ang Dad mo. So I decided to cancel our meeting at sinundan kita dito," salaysay ng ginang. She took a deep breath and looked at her mom, intently. She doesn't know how to start as she can't deny anymore what had happened. "He gave me a new assignment and it's quite more dangerous than the previous ones," she started telling her after she cleared her throat. "How dangerous it is? And anak, it is your job. Pinasok mo 'to and expect that you will receive assignments like that," wika din ng ginang. "Mom, I know but why it is always me? I mean, I can do the job but other agents can do it as well. Pwedeng assistant na lang ako," Gabrielle said. Iginigiit nitong hindi lang naman siya ang may kakayanang gawin ang trabaho. The agency has agents na mas mataas at mas malawak ang karanasan sa uri ng trabaho nila at si Gabrielle ay wala pang limang taong naging agent at madalas mga lokal na kaso lamang ang hawak. "Anak, your dad knows your capability to do the job kaya ka niya napiling i-assign sa assignment na 'yan," panggigiit pa ng ginang to convince her and to stop her from complaining. "No mom! Sinasadya niya ito para ibangon ang kahihiyang ibinigay ni kuya. Pakiramdam ko nasaktan ang ego niya dahil kay kuya kaya ako itong ginagamit niya para mapagtakpan ito which is unfair on my part." Hindi na napigil ni, Gabrielle na ilabas ang sama ng loob. Pakiramdam niya kasi ginagamit siya ng ama para muling ibangon ang dignidad nitong niyurakan ng kapatid niya nang mahuli itong nagdudruga at kasalukuyang nasa rehabilitasyon. Naranasan din kasi ng ama na matuligsa dahil sa kapatid. Dadalawa lang silang magkapatid at alam niyang mataas ang expectations ng ama sa kanila. Aminado naman siyang hangad ng kanilang mga magulang ang mapabuti ang kanilang buhay pero ang hindi niya kayang tanggapin ay parang siya itong pinipilit ng ama para pagtakpan ang kamalian sa kanilang pamilya. Gabrielle has been an obedient daughter. She done her best since young. Outstanding student and graduated with flying honors same as her brother. However, everything changed when her brother was caught by the authorities. To date, she still didn't understand why her brother ends up being a drug addíct. She couldn't believe it because his brother, aside from their parents, was her role model. She looked up to him. "Gab, please, try to understand your dad. Masakit pa din sa kanya until now ang ginawa ng kuya mo, sa akin. Maybe you think na okay na kami pero there were nights na iniyakan namin ng daddy mo ang nangyari sa kuya mo. Nahihirapan din kami lalo na kapag naisip namin kung papaano na siya sa rehabilitation center. Paano kapag kailangan niya ang yakap namin, ang pag-aalaga namin. You know . . . the feeling of being lost? Mabigat sa dibdib, anak. Kaya lawakan mo sana ang pang-unawa mo sa dad mo," mahabang wika ni Miranda sa anak. Tigmak sa luha ang kan'yang mga mata dahil sa pagkaalala sa anak na panganay. Mahirap sa kanya bilang ina ang tanggapin ang nangyari sa anak pero pilit niyang kinakaya dahil may isang Gabrielle na nangangailangan din sa kanya bilang magulang. Gabrielle fell in silence but her tears were streaming down her face. It was suffocating to feel the pain in every word that her mother uttered. She then looked at her and she felt the need to throw herself in her embrace kaya agad siyang lumapit dito at niyakap nang mahigpit ang ina. "I'm sorry, mom! I'm sorry for being selfish. Sarili ko lang ang iniisip ko. Nakalimutan kong mas masakit amg nararamdaman niyo kaysa nararamdaman ko," she said in betweem her sobs. "No, anak. Naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Pagpasensyahan mo na ang daddy mo. Malaki ang tiwala niya sa 'yo kaya ikaw ang napili niya na gumawa ng trabahong ibinigay sa 'yo hindi ito gaya ng iniisip mo," tugon ni Miranda habang kulong sa kanyang mga palad ang mukha ni Gabrielle. Hindi na muling sumagot pa si Gabrielle na yumakap sa ina. Hinihimay sa isip ang mga tinuran nito sa kanya. Tama naman ang kan'yang ina pero masama pa din ang loob niya sa ama. Dagdag pa ang iisipin na isang notorious group ang kan'yang tatrabahuin. Hindi niya maisip kung ano ang gagawin para mapagtagumpayan ang bagong misyon. Back to France, the guy got off from his motorcycle and walked toward Maverick who was surprised for the guys' sudden appearance. He was Luxe Kawasaki, Maverick's long-time friend with Japanese and Filipino descent. "X?!" Maverick exclaimed and got up from the chair. "What's going on here, bro?" Luxe asked when he got closer at tinapik sa balikat si Maverick sabay kabig bilang pagbati. "Just a mess!" maikling tugon ni Maverick. "But why'd you did't tell me you were coming?" "Bro, it's not a surprise anymore if I told you!" Luxe chortled as he sat on the edge of the table in front of Maverick. "Business?" Maverick asked Luxe but his eyes were on his men who were cleaning up their mess. Alam niyang hindi ito basta-basta susulpot ng walang mahalagang dahilan. "You got it!" tugon nito sabay pumalakpak at sumigaw. "Diego!" Biglang napalingon si Maverick nang marinig ang sigaw ni Luxe pero bago pa man siya makapagtanong para maibsan ang kan'yang pagtataka ay gumawi ang kan'yang mga tingin sa taong papalapit na walang iba kundi ang tauhan niyang si Diego tulak-tulak si Mark Uttenberg na habang papalapit ay kita niya ang mukha nitong duguan. Nakagapos ang mga kamay sa likod at pasuray kung lumakad. "What's the meaning of this?" naitanong niya kay Luxe dahil hindi pa rin maabot ng kan'yang utak kung ano ang ginagawa ng kaibigan. "Well, this bastard deceived you," tugon ni Luxe sabay hablot kay Uttenberg nang ilang hakbang na lang ang layo nito. "What?!" "Yes! He knows that the contraband wasn't here anymore but he told you that he doesn't know, right?" Luxe removed himself from sitting on the edge of the table and grabbed Uttenberg on his jaw which made the latter groaned. "f**k!" Maverick cussed. Muli na namang naningkit ang mga mata nito sa galit. Akmang hahablutin nito kay Luxe si Uttenberg nang pinigilan siya ng huli. Nangunot ang kan'yang noo sa inasta ng kaibigan. "Are you going to spare this sh!t, for what?!" Nagtagis ang kan'yang mga bagang sa galit at halos lumuwa ang matang dumako sa kaibigan. Luxe stares and meets his glares. Nagtagisan sila ng tingin na animo'y dalawang mababangis na hayop na nagsusukatan ng lakas at handang lapain ang isa't isa anumang oras. Pagkalipas ng ilang minuto, marahas na humugot ng hininga si Maverick at umatras nang bahagya. "Okay!" maikling wika nito sabay kumpas ng kamay kay Luxe. "Just f*****g tell me what you're going up to!" Naglakihan ang mga butas ng ilong nito sa pagpipigil ng emosyon na ikinailing na lamang ni Luxe. "You didn't changed. Aggressive as usual. Calm down and let me handle this," tugon ni Luxe. Maverick slumped himself back on the chair. He roamed his stares around the building and looked at his men. Mataman lamang na nakatitig ang ilan sa kanila ni Luxe at ang iba ay abala sa pag-aasikaso sa mga bangkay ng kanilang mga kalaban. "Please, let me go!" Paos at halos habol ang hiningang pakiusap ni Uttenberg kay Luxe. "Let you go?" Napangising wika ni Luxe at halos ibitin si Uttenberg gamit ang isang kamay. "Man, have you heard anyone we spare after they turned against us? No one! No one!" Umalingawngaw sa buong gusali ang malakas na boses ni Luxe nang pasigaw niyang kinausap si Uttenberg. The German winced in pain when Luxe tightened his gripped on his jaw down to his neck. Dahan-dahan siya nitong sinakal hanggang halos maglumuwa ang kan'yang mga mata at pangapusan ng hininga na akala niya ay doon na matatapos ang kan'yang buhay pero namilipit siya sa sakit nang bitawan siya nito ng malakas na ikinabagsak niya sa sementadong sahig. Mabilis ang mga galaw na hinugot ni Luxe ang maliit na punyal na nakasuksok sa suot na brown leather boots at walang habas na nilaslas ang leeg ni Uttenberg at inundayan ng sunod-sunod na saksak sa iba't ibang bahagi ng katawan. Ikinagulat ito ni Maverick at ng kan'yang mga tauhan. Hindi sila nakahuma sa bilis ng kilos ni Luxe. The blood cascaded from the German's body and a pool of blood is formed along with other men assassinated earlier. The sorrounding smell became horrible that even Maverick have to rub his nose to shun away the smell. He then stood up and walked towards Luxe who was still holding the dagger, full of blood. "Why the hell you did that?" he asked Luxe. "He betrayed you!" Luxe answered but remain in his stance without even turn to look at Maverick. "It is my job to what I wanted to do with him and not yours!" Maverick raised his voice. Hindi niya alam kung magagalit ba siya o nainis sa ginawa ng kaibigan. Masyadong mabilis ang pangyayari na hindi niya nagawang pigilan ito sa ginawa. May mga nais pa siyang itanong kay Uttenberg. "For what? To know where the contraband is? The guy told you already where it is and what?!" Nilingon siya ni Luxe at sinagot sa mataas na boses na halos magtalsikan ang laway nito sa kan'yang pagmumukha. "You will go back to the place?" ani Luxe. "And what? Muling sariwain ang nakaraan at mag-astang parang asong ulol kakahanap ng mga taong matagal mo nang hinahanap? Look Maverick! Hindi mo kilala ang kakalabanin mo kaya huwag kang hangal. Naiintindihan mo?!" "It's not for you to decide!" maikli niyang tugon na mariin pa ring nakatitig sa kaibigan. "Yes, it's not but I know how aggressive you are. It needs a proper planning. You need to know those people behind it first. Do you understand?" Hindi na tumugon si Maverick. Nanahimik na lamang siya at tama naman ang sinabi ng kaibigan. Hindi niya alam kung sino ang kan'yang magiging kalaban. Maaring nasa paligid lang at nagmamasid sa kanya, hindi niya alam. "Boss, our look out just contacted me that there are authorities coming. We need to leave immediately," Brando said. Mabilis na inutusan ni Maverick ang mga tauhan na lisanin ang lugar. Kanya-kanya silang sakay ng kanilang mga sasakyan at silang dalawa ni Luxe ay sumakay sa kani-kanilang motorsiklo at nilisan ang lugar. Pinaharurot ng dalawa ang kanilang mga motor kasunod ng kanilang mga tauhan na lulan ng mga sasakyan nang biglang tumigil si Maverick at inikot ang motor paharap sa paparating na kaibigan. "X!" sigaw niya sa kaibigang papalapit sa kinaroroonan niya. Tumigil si Luxe sa harapan niya na halos magkadikit ang gulong ng kanilang mga motorsiklo. "Race?" tanong ni Luxe. "Yes!" "Sure! Just like the old times," sang-ayon ni Luxe at hinayaang pumuwesto si Maverick. Eksaktong pareho na silang nakaharap sa parehong direksyon nang mamataan nila ang duda nilang mga otoridad kaya nagbigay agad ng hudyat ang dalawa sa kanilang mga tauhang nakasunod. Pagkatapos na mabigyan ng hudyat ang mga tauhan at masigurong nakaalis na ang mga ito patungo sa ibang direksyon ay agad silang nagtitigang dalawa. "Sa dating tagpuan!" magkasabay nilang wika at nag-umpugan ng mga kamao. "Woohoo!" Ang malakas nilang tawanan ay humalo sa malakas na ugong ng kanilang mga motorsiklo. Habang papalayo ay dahan-dahan ding lumiwanag ang paligid na kanina lamang ay nabalot ng makapal na alikabok sanhi ng mabilis nilang pagpatakbo ng kanilang mga motorsiklo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD