WMS32:Bothered

1860 Words
Maverick took a deep breath and looked around to make sure that no other person is hanging around. Then, he looked at the glossy ceiling as he heard gentle footsteps getting closer. Inihanda niya ang sarili at halos pigil ang hiningang isinandal sa pader ang likod at hiniling na sana walang lalabas sa mga kuwartong nakahilera sa pasilyong kanyang kinaroroonan. Muli siyang tumingala sa kisame at kasabay noon ang pagtapat ng babaeng nakasuot ng pula sa kinaroroonan niya. Mabilis pa sa kidlat na humakbang siya palapit dito at agad sinunggaban ang braso nito ay hinila palapit sa kanya. Napasinghap pa ang babae sa bilis ng pangyayari pero huli na nang makahuma siya dahil nakakulong na siya sa mga braso ni Maverick habang dikit na dikit ang katawan niyang nakatalikod dito. "Are you following me?" halos pabulong na wika ni Maverick sa punong-tainga ng babae. Humugot ito ng malalim na paghinga at pumalag pero mahigpit ang pagkakahawak ni Maverick sa kanya. "Are you here to kill me?" muling tanong ni Maverick na pinasada ang kamay pababa mula sa beywang ng babae patungong hita nito na natatakpan ng suot na red gown. Pero bago pa man tuluyang maibaba ang kanyang kamay ay nakarinig sila ng mga taong paparating kaya mabilis na kumilos si Maverick tangay ang babaeng hawak papasok sa pintuang ilang hakbang lang ang distansiya sa kanila. Fortunately, the door was left unlocked and no one was inside but the woman, who was released from Maverick's grip was eager to fulfill her mission, and at full tilt, she took her pistol from its holster wrapped around her leg and pointed it to Maverick when he tried to lock the door behind him. "So, I am right! You are here to kill me," Maverick said with his arms open while taking his steps forward, closer to the woman. "Yes, I am!" "And why? And who the hell asked you to kill me, Miss Gorgeous?" asked Maverick. His eyes were fixated to the woman who was still aiming the gun at him. Naglumikot ang mga mata ng babae para iwasan ang mga tingin ni Maverick. Ni hindi niya magalaw ang daliring nakatuon sa gatilyo ng pistolang hawak. She felt intimidated the way he stares at her. Damn! Tahimik siyang napamura at parang aatras sa misyong iniatas sa kanya nang tinanggal ni Maverick ang kanyang maskara. Alam niyang isa siyang mamamatay-tao pero tao lang din siyang marunong humanga sa isang nilalang na kagaya ni Maverick. Sino ba namang hindi ma-intimidate kung ang kaharap ay parang isang adonis. He is a god. s**t! But no! I have to do this! She shut her eyes intensely and was about to pull the trigger when Maverick held her wrist. She opened her eyes abruptly and mouth widened when Maverick pulled her and aimed the gun on his forehead. "You wanted to kill me, right? Then do it!" wika ni Maverick na mataman pa ding nakatingin sa kanya. 'Maverick, what's going on? Where are you?" Boses ni Halle na maririnig mula sa communication device na suot ni Maverick sa kanyang tainga. "Don't worry, I'm fine!" tugon ni Maverick dito at sinamantala naman iyon ng babaeng nakapula para tuhurin ang kanyang p*********i pero dahil nabasa niya ang galaw nito sa kanyang mga mata ay hindi ito napuruhan. Nabitawan niya ang babae at mabilis itong nakatalon sa kama para umiwas sa kanya pero nahawakan nito ang laylayan ng suot niyang gown na ikinapunit nito kaya lumantad ang mahahaba, makinis, at bilugan nitong mga hita at binti. "Nice pair of legs, huh!" napapalatak pang sambit ni Maverick nang pasadahan ang magandang hubog ng mga hita ng babae. Nasa magkabilang bahagi sila ng kama kaya nagtatantiya ang bawat isa sa kanila ng mga susunod nilang galaw. Nalantad sa kabilang hita ng babae ang dalang punyal kaya hinugot ito para gawing depensa kung sakaling susugurin siya ni Maverick. "Wow!" napangising wika ulit ni Maverick. "Now, tell me who is your boss. If ever you manage to kill me tonight, at least I know who to ghost around whenever my soul will go in hell," dagdag pa nito na mahinang tumawa at kalmanteng naupo sa gilid ng kamang nakapagitan sa kanila. "You don't have to know who my boss is, Morelli," tugon ng babaeng nag-iisip ng paraan kung paano maisakatuparan ang binabalak. Napatingin siya sa maliit na orasan na nakapatong sa side table. It's time! Mabilis na hinawakan ng babae ang kurtinang nasa likuran niya sabay lambitin at idinuyan ang sarili palapit kay Maverick at sinipa ito pero hindi niya rin natantiya ang bilis ng binata kaya nasalag nito ang kanyang mga paa at nahablot siya nito pabalik sa kama at agad kinubabawan. Umigkas ang kanyang mga binti at ipinulupot sa mga binti ni Maverick at buong lakas na itinulak ito kaya kapwa sila nahulog sa kama. Maverick! What the hell is happening. Diego please tell me where he is! Maririnig mula sa device na suot pa din ni Maverick habang nakikipambuno siya sa babae. Hawak na niya ang babae sa dalawang kamay na ipinulupot sa likuran nito at akmang tatanggalin ang maskara nitong suot nang ginamit naman nito nang magkasabay ang paa at ulo para atakehin siya. Ininda niya ang sakit sa paa sa pagkakaapak ng babae gamit ang suot nitong red strappy heels. His eyes turned blurry when the woman did a headbutt on him. "s**t!" Maverick cussed when he felt the dripping blood came from the graze caused by the headbutt. Pinakaayaw niya ang masugatan ang kanyang mukha. Mabilis niyang pinahid ang dugong patuloy na dumadaloy mula sa nasugatang kilay at tiningnan ang babaeng muli na namang susugod sa kanya. Inihanda niya ang sarili at hindi na mangingiming talunin ito at dalhin sa kanyang pag-alis kung kinakailangan. Hindi siya makakapayag na isang babae lang ang makakapatay sa kanya. Maverick pulled the dagger from his boots "I assumed that you already know a lot about me, miss. And I think, you already know what I did to the women I've encountered. Are you ready to offer that for me?" wika ni Maverick na pinababa ang tingin sa mga hita ng babae. Kaagad itong pinamulahan ng mukha. Virgin? "Not me, Morelli!" matigas na wika ng babae nang makabawi sa sinabi ni Maverick sa kanya at sabay unday ng punyal sa kanya pero mabilis niyang nahuli ang kamay nito ngunit isang maling kilos ay babaon na ito sa kanyang leeg. "How much you want? Billions? Luxury? Name it! I can give you whatever you want . . . Miss?" Hirap mang kabigin ang kamay ng babae pero nagawa ni Maverick na alukin ito ng karangyaan. Bakasakaling makumbinsi niya ito pero wala siyang nakitang emosyon sa mga mata nito. Malakas siyang siniko ng babae kaya nabitawan niya ito at muli silang nagpambuno hanggang sa halos masira na nila ang mga muwebles sa silid na 'yon. "I admire your strength, lady, but I won't allow a woman to kill me," mahinang wika ni Maverick nang magapi ang babae at muli itong kinubabawan at marahas na inangkin ang mga labi nito ng mabilis. Akma niyang tanggalin ang maskarang nakatakip pa rin sa mukha nito pagkatapos niyang gawaran ito ng marahas na halik nang sampalin siya ng babae ng ubod lakas na halos nagpabiling ng kanyang mukha. "Damn!" mura ni Maverick na matalim na ibinaling sa babae ang mga tingin at akmang angkining muli ang mga labi nito nang may taong dumating sa labas ng pintuan. The woman took the opportunity to push Maverick with all her might, got up, and run to the balcony of the hotel room. Maverick shakes his head lightly and decided not to follow the woman. "Nice to met you, Miss Gorgeous. See you again next time," wika niya kahit hindi siya sigurado kung tinalon nito ang balkonahe o nandoon pa ba ito. Wala na siyang pakialam. Kung tutuusin pareho nilang kayang patayin ang isa't isa pero tila naaliw siya sa pakikipagtagisan ng lakas laban sa babae kaya hindi niya ito binalak patayin. May pakiramdam siyang muli pa silang magkikita. Kailangan niyang alamin kung sino ang nag-utos dito na tapusin siya. Maverick fixed his tie and took a facial tissue on the bedside table and wipe the blood on his face. Tidied up his hair and walked toward the door, opened it and go out like nothing happened. He met a couple whose brows creased when they saw him got out from that room. "Hey, what you did in our room?" sigaw ng lalaking nakasalubong nang makahuma sa iniisip pero patuloy lamang sa paglalakad si Maverick palayo. "Honey, lets go and check our room. Let's report this to the hotel security and management," wika naman ng babae kaya mabilis silang pumasok at tinawagan agad ang management ng hotel. Samantala, sa kinaroroonan nina Diego, hawak nito ang computer nang tawagan siya ni Maverick. "Yes, boss?" "Have you cleared anything?" "Yes, boss! Everything is clear." "Good!" When he decided to follow the group of Jude de la Fontaine, Maverick commanded his men to disable the monitors that will able to trace him if in case there are unnecesary things going to happen. "Who is she?" he mumbled, forgetting that he was still on the phone with Diego. "Boss? Are you saying anything?" "Nothing! See you at the hideout," tugon nito sabay off ng tawagan. Samantala, ang babaeng nakapula ay tagumpay na nakaalis sa balkonaheng pinagtaguan at palipat-lipat sa kabila hanggang tuluyang makalabas at agad pumasok sa silid kung saan siya naka-check in para sa kanyang misyon. "What happened?" usisa ng kausap nito sa kabilang linya ng teleponong nakaipit sa pagitan ng kanyang balikat habang isinusuot ang rubber boots. "I'm sorry, boss. I didn't make it but I will do it next time. Masyado ko yatang na-underestimate ang isang Morelli," tugon niya sa kausap. "I already told you. He won't be that great kung pipitsugin lang siya. O baka kagaya ka din ng iba na nahulog sa charisma niya? Don't you dare, Venus!" Natahimik ang dalaga sa tinuran ng nasa kabilang linya na tinatawag niyang boss. "Paghandaan mo ang muling pag-atake sa kanya. Ngayong nabigo ka sa pagpatay sa kanya siguradong hindi niya tutulogan kung sino ang taong responsable sa pagpapatay sa kanya and that thing I wouldn't want to be happen. Mawawala ang lahat ng pinagpaguran ko dahil sa katangahan mo kung sakali at alam mo ang kapalit. Tandaan mo 'yan!" Tunog na lamang ng kabilang linya ang kanyang narinig dahil pinutol na ito ng kausap. Napabuntonghininga ang dalaga at pabagsak na nahiga sa kamang kinauupuan. Blangkong tingin ang ipinukol niya sa kisame. Maya-maya'y malalim na huminga. I need to do this to know who I am! She thought. She has no choice but to do her job in exchange for the promises that her boss swore to her. There are reasons and one is to know who she is. She has no idea where she came from. Who her family was? If they're alive or dead, she has no idea. She just trusted her boss that will help her after her mission against Maverick. Sa pagkaalala sa binata at marahas na bumangon ang dalaga. No! Huwag kang marupok, self! Buhay mo ang nakataya dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD