Kabanata 35 PAUNAWA: Ang sumusunod na mga eksena ay naglalaman ng maseselang tagpo at sekswal na konteksto na hindi angkop sa mga mambabasang may edad 18-pababa at mga mambabasang hindi sanay sa erotica. MARTHA KINAGABIHAN ay hindi ako tinantanan ni Hercules sa kakaiyak niya dahil gustong gusto niyang makasama o makausap ang kaniyang ama. "Nanay, I want to see superman." Ito ang paulit ulit niyang binabanggit sa akin. Mula nang isinara ko ang pintuan pagkatapos kong sampalin si Hector. Ang akala niya ay pagkatapos niyang magbihis ay makikita niyang muli ang kaniyang ama ngunit hindi dahil ayaw ko. Bilang isang ina ay hindi ko gustong umaasa ang anak ko na sa huli ay iiyak siya. Wala man akong alam sa tunay na nangyari ay hindi deserve ng anak ko na itrato ng ganon ganon na lamang. Ka