Kabanata 1
Nicole Angeline
"Kailan kaya ako mapapansin ni Baby Trigger?" Malungkot na tanong ko sa bestfriend kung si Ciffer. Napahinto naman siya sa pagtatype ng kung ano sa laptop niya at binaling sakin yong buo niyang atensyon at talagang tinaasan pa ako ng bruha ng isang kilay.
"Siguro kapag sa kanluran na sumisikat yong araw." Sagot niya sakin at saka niya muling binaling yong paningin niya sa laptop niya. Ano ba kasing meron don sa laptop niya? Of out curiosity pumatong ako sa mesa at saka ako dumungay sa laptop niya. Ah. Kaya naman pala wala sakin yong buo niyang atnesyon kasi gumagawa siya ng designs niya para sa House of Ciffer.
Isa kasing fashion designer 'tong si Ciffer. Kakastart lang niya sa fashion industry pero patok na patok na yong designs niya hindi lang sa mga artista, kundi pati na din sa mga babaeng politician at kung sino-sino pang socialite.
"Ciffer naman eh! Seryoso ako! Gusto ko talagang mapansin ako ni baby Trigger, sure na sure na talaga akong siya yong kaforever ko." Pagdradrama ko naman sa kanya. Nasa TV screen pa din kasi naka-flash yong picture ni baby Trigger at nagbabalita si Gretchen Follido sa showbiz niyo.
My nagpagawa daw kasi ng billboard na babaeng artista at inaaya si baby Trigger ko na magdate daw sila, kahit coffee lang. Kanina ko pa nga pinapaikot ng paulit-ulit 'tong mga mata ko eh. Oo nga't sikat na sikat ngayon yong babaeng artista pero sumikat lang naman niya dahil sa leading man niya, ilang buwan palang naman siyang sikat pero kung makalandi wagas-wagas na!
"Hindi sila pwedeng magdate!' Paano kasi ay kaka-announce lang ni Gretchen na pumayag daw si baby Trigger na magkape sila! Eish! Hindi pwede! Hindi maari! Kaya naman kahit na alam kung magagalit sakin si Ciffer kinulit-kulit ko na siya ng bonggang-bongga, my mga connection kasi siya at magagamit niya yon para makagawa ng paraa para pigilan yong date ni baby Trigger sa Kathryn Padilla na yan.
"Ciffer tulungan mo naman ako! Ayukong magdate sila!" At saka ko niyogyugyogyug yong balikat niya.
"Ano ba Angeline tigilan mo nga ako! Kita mong busy yong tao dito eh! My deadline ako sa design na 'to." Pero hindi ko siya pinakinggan at mas lalo ko pang niyugyog yong katawan niya. Hanggang sa huli siya din ang sumuko sa kakulitan ko. Hininto niya yong pagdradrawing niya sa laptop at saka ako masamang tinignan.
Agad naman akong ngumiti sa kanya at nagpeace sign pero inirapan lang naman niya ako. Dineadma ko nalang alam ko naman kasing hinding-hindi ako matitiis nitong si Ciffer eh. Kaya naman ng madinig ko siyang napabuntong hininga alam kung my solution na siya sa problema ko.
"I'll call you back later. Meron lang akong dapat alamin." I creased my forehead at napatayo din ako ng napatayo si Ciffer dala-dala yong laptop niya. Weird. Akala ko pa naman ay my idea na siya kung paano ako mapapansin ni Trigger at hindi na matuloy yong date nila ng Kathryn na yon. Hanggang sa hindi ko man lang napansin nakaalis na pala si Ciffer.
"Angeline baka naman tuluyan na talagang walang bumili dito sa mga tinda ko! Kanina ka pa jan nakasimanggot ah!" Sita sakin ni Tita Phoebe. Ang kapatid ng Mama ko s***h ang Boss ko. Isa kasi ako sa tindera ng mga prutas niya dito sa malaking puwesto ng prutasan niya sa palengke. Yon nga lang mashadong matapobre 'tong Tita Phoebe ko, halata ding hindi niya kami kinikilalang kamag-anak, mahirap lang kasi kami ni Mama.
Ang Papa ko ay dating sundalo at dahil sa trabaho niyang yon, bata palang ako ay napunta na siya sa heaven. Sigh. Samantalang si Mama naman dating manager ng isang clothing botique pero dahil sa edad niya at sakit hindi na niya kinaya kaya wala siyang choice kundi ang magresign. Nakaipon naman kami ng pera pero sapat lang para sa pagpapagamot niya, meron kasi siyang leukemia.
Kaya ayun pagkagraduate na pagkagraduate ko ng high school nagdecide akong magtrabaho kaso lang nung sinubukang kung mag-apply sa mga malls at grocery store hinahanap naman ako ng kung ano-anong requirments. Eh san naman ako kukuha ng perang pangpondo don? Ulam nga namin sa araw-araw ni Mama araw-araw ko nang problema kaya ayun, nauwi ako sa pagpipilit kay Tita Phoebe na tanggapin ako bilang slaes lady niya.
Three-hundred fifty ang sahod ko araw-araw at tama lang sa pagkain namin ni Mama yong kalahati at yong kalahati naman iniipon ko para pang bayad ng bahay naming inuupaan. Sigh. Grabe! Ang hirap talaga ng buhay.
"Angeline ha?! Tigil-tigilan mo nga yang pagsisimanggot mo! Sinasabi ko na sayo kapag kaunti lang ang benta ko ngyong araw, kalahati lang din ang sahod mo!" Nanglaki naman ang mga mata ko at nang akmang sasagot na sana ako tinawag naman siya ng boyfriend niyang si Mang Inggo, hindi ko naman siya pwedeng habulin kasi walang magtatao dito sa puwesto. Baka mamaya manakawan pa kami at sakin pa pabayaran ni Tita. Sigh.
Paano ba naman kasi ako hindi mapapasimanggot. Isang linggo na ang nakakaraan simula ng mabalitaan ko sa TV yong date nila Kathryn at baby Trigger ko, buti nalang nga at mukhang hindi pa matuloy-tuloy dahil na din sa mga bagyong sunod-sunod na dumarating sa bansa.
Lagi ko din kasing inaabanggan yong mga showbiz news sa TV at sss kaya alam ko, hindi ko nga lang sure kung totoo ba yon or gawa-gawa lang. Pero sana talaga hindi pa sila nakakapagdate dahil mahaheart-broken talaga ako ng bonggang. Gusto ko kasi ako lang ang makakadate ni baby Trigger ko.
Hay ang hopeless-hopeless ko na talaga. Matindi na 'tong kabaliwan ko kay baby Trigger. Paano naman ako mapapansin nun? Eh simpleng tao lang naman ako, mahirap pa. Samantalang siya, mayaman, sikat, ang pogi-pogi at ang dami-daming nagkakagusto sa kanyang kalevel niya. Sigh. Pero my tiwala naman ako kay Ciffer eh, kaso lang isang linggo nang walang paramdam yong babaitang yon! Mukhang naisihan ako nun ah!
Waahh! Oo nga noh? Bakit ngayon ko lang narealized na naisahan niya ako? Eish! Sinabi niya lang sakin na kunwari gagawa siya ng paraan pero tatapusin lang naman niya talaga yong bago niyang design. Sigh. Kainis naman oh! Umasa kaya ako! Akmang kukulitin ko sana sa text si Ciffer ng my nagsidatinggan naman mga torista. Mamaya ko na nga lang siya itetext, magbebenta na muna ako.
Hanggang sa matapos na yong oras ng trabaho ko kay Tita. Ay! Salamat naman, pagod na pagod din ako ngayong araw. Bigla kasing nagsidatinngan yong mga tao sa palengke at nagsibilihan ng mga prutas na dito lang mabibili bilang pasalubong.
"Anak, nandito ka na pala." Bati naman sakin ni Mama ng pasalampak akong maupo sa kawayang sofa namin. Ngumiti naman ako sa kanya at tumayo para magmano.
"Nay, mano po." At saka ako ngumiti sa kanya at tinulunggan siyang maupo sa kawayang sofa. "Uh. Nay, bumili nalang po ako ng ulam at kanin sa labas." At saka ko tinaas yong dalawang sopot na pinatong ko sa gilid ng kinauupuan ko kanina. Tumango naman siya at ngingiti sana kaya lang ay bigla siyang naubo kaya naman agad ko siyang dinaluhan.
"Nay okay ka lang ba? At saka nga pala tip ko yong pinangbili ko jan sa pagkain natin ngayon, yong mga foreigners kasing bumili kanina nagsabi na keep the change nalang daw."
"Ang babait naman nila anak." Mahinang sabi naman sakin ni Mama. Tumango-tango nalang ako at ng makita kung nahimasmasan na siya nagpaalam ako sa kanyang ihahanda lang yong hapunan namin. Hindi kasi pwedeng malate yong pag-inum din ni Mama ng gamot kaya dapat nasa oras din siya kapag kumakain.
Nasa kalagitnaan naman kami ng pagkain ng bigla nalang mapahinto sa pagkain si Mama. Akmang itatanong ko sana siya kung tapos na ba siyang kumain ng sunod-sunod siyang mapaubo kaya tinakpan niya 'to ng mga kamay niya. Nang ibaba naman niya yong mga kamay niya ganun nalang yong panglalaki ng mga mata ko at pagbalot ng kaba sa dibdib ko ng makitang kung my dugo sa mga kamay niya!
"Nay!" At saka ko siya nilapitan at tamang-tama namang nawalan siya ng malay.
***
"Tatapatin na kita Miss Alegre hindi malayong magkaron ng taning ang buhay ng Mama mo, kapag hindi pa siya nagpatherapy." Napaluha naman ako sa sinabi ng Doctor, napayuko nalang ako at saka ko pinunasan ng panyong dala-dala ko ang mga mata ko. Hindi pa nga ako nakakabawi sa mga sinasabi niyang inpomasyon sakin eh my kasunod na naman.
"At malaki-laki talaga ang kailangang halaga. Two million pesos ang kabuuan ngbayad sa therapy kasama na ang mga gamot don pero kalahati lang ng hospital bill ang kasama sa dalawang million, the rest kailangan mong bayaran ng separate. Ang isang session naman ng therapy ay two hundred thousand at kailangan gawin yon every week." Nanglumo naman ako sa sinabi niya. San ako kukuha ng ganun kalaking pera? Ni-wala nga akong ipon kahit singkong duling!
"Bess eto inum ka na muna, baka maubusan ka na ng tubig jan sa katawan mo kakaluha." Alam ko naman sinusubukan lang ni Ciffer na patawanin ako pero hindi ko talaga kaya sa laki ba naman ng problema ko ngayon. Tinaggap ko naman yong tubig na bigay niya sakin at saka 'to ininom, ngayon ko lang din naramdaman yong pagkauhaw ko.
Nasa labas kami ngayon ng hospital room ni Mama, dapapt ay nasa emergency room lang siya at don siya sa my kurti-kurti na harang lang papahigain kasi kailangan ng deposite kung gusto mong magkaron ng sariling kwarto ang pasyente. Ten thousand eh wala naman akong perang ganun, kaya papayag na sana akong don nalang si Mama kaso lang out of nowhere biglang sumulpot si Ciffer at kasa-kasama niya yong Doctor ni Mama at dalawang Nurse. Tapos yon inutusan nung Doctor na ilipat na sa hospital room si Mama. Umakbay naman sakin si Ciffer at saka marahang pinisil yong kanng balikat ko.
"Sorry bess ngayon lang ako nakipagkita sayo, alam mo naman medyo busy sa work." Tumango naman ako sa kanya at saka ako sumagot, kahit na wala ako sa mood magsalita ngayon sa laki ba naman ng problema ko, pero syempre dahil bestfriend si Ciffer at kailangan ko ding magpasalamat sakanya. Hinawakan ko yong isa niyang kamay na nakapatong sa tuhod niya.
"Salamat talaga bess at nandito ka sa oras na kailangan na kailangan namin ni Mama ng tulong at saka pasensiya na din sa abala. Hiyang-hiya na nga din ako sayo kasi ikaw na naman umako ng bayarin ni Mama dito sa hospital." Mangiyak-ngiyak na sabi ko sa kanya. Inirapan naman niya ako at saka hinila yong buhok kung gulo-gulo.
"Tigilan mo nga yang kadramahan mo bess, hindi ako sanay! Mas sanay akong makulit ka!" Sinubukan ko namang ngumiti sa kanya pero nauwi lang 'to sa pagngiwi hanggang sa tuluyan na naman akong maiyak. Agad naman niya akong niyakap at ng mahimas-masan na ako, inaya niya ako sa loob ng kotse niya. Meron daw kasi kaming importanteng pag-uusapan, mabuti nalang at my nurse pang nagbabantay kay Mama kaya pumayag akong sumama sa kanya.
"Alam ko na kung paano ka mapapansin ni Trigger." Simula niya agad pagpasok na pagpasok namin sa loob ng backseat ng kotse niya. Nanglaki naman ang mga mata ko at bumilis ang t***k ng puso ko. Agad na bumangon yong pag-asa kung kami nga talaga ni Trigger yong magkaforever pero sa huli agad din 'tong nawala at hinampas ko nalang siya sa braso niya.
"Angeline!" Sita naman niya sakin. Mukhang napalakas yong pagkakahampas ko sa kanya ah. Nagpeace sign nalang ako at sa pagkakataong 'to ako naman yong napabuntong hininga.
"Oo na. Okay na, medyo masaya na ako. Pinaasa mo na naman kasi ako -" Pero hindi ko naman natuloy yong sasabihin ko ng kinut niya ako.
"Gaga! Seryoso ako, ginamit ko yong connection ko at my nalaman ako." Agad namang binalot ng curiousity yong buo kung katawan.
"A-ano nalaman mo?" Agad namang binalot ng kaba ang buo kung sistema. T angina! Huwag niyang masabi-sabi saking bakla si Trigger kaya hanggang ngayon ay wala pang napapabalitang dinedate niyang babae. Oh my God! Huwag naman sana, sayang ang lahi niya!
"His hiring." Hiring? I creased my forehead. Hanggang sa magets ko yong sinabi niya. Hiring? Hiring ng trabaho?
"Hiring? Hiring ng trabaho? Eh hindi naman ako qualified alam mong high school graduate lang ako." Mukhang dapat ko na talagang tanggapin na walang forever! Hindi kami ni Trigger ang para sa isa't-isa. Huhu! Saklap. Pinitik naman niya yong noo ko kaya napaaray ako at sinamaan ko siya ng tingin.
"Ibang hiring 'to! Huwag ka nga kasi munang sabat ng sabat at patapusin mo na muna yong sinasabi ko." Napapout nalang ako at saka kao tumango-tango. Umakto din akong zinipper pa yong bibig ko. Napailing-iling nalang tuloy siya at tinuloy yong sinasabi niya.
"Naghahanap siya ng bedwarmer Angeline at my naisip na akong paraan para makapag-apply ka." Excited niyang sabi sakin. Hindi ko naman alam kung paano ako magrereact.
xx