Kabanata 36 Kanina pa talaga ako naweweirduhan sa mga nangyayari. Hindi ko lang masabi-sabi kay Ciffer kasi parang isang minuto palang siyang nakakaupo ay my lalaki na agad na lumalapit sa kanya para ayain siyang makipagsayaw. Sigh. Tatlong oras na din simula ng magsimula yong promenade namin at hindi ko alam kung ngayon ba yong araw na bigla nalang akong magtratransform sa pagiging invisible. Urgh! Kaya walang nakakapansin sakin. Pakiramdam ko nga flat na yong p'wetan ko kakaupo dito at thirty minutes lang ay magmimidnight na, ibig din sabihin matatapos na 'tong prom. Anak naman ng tokwa! Wala man lang nagsayaw sakin ni isa! First time ko pa namang umattend. Anong klaseng promenade experience naman 'to para sakin? Disaster. Bangungot. Nalaglag yong balikat ko ng mag-announce yong MC na