Naningkit bigla ang mga mata nito. Mabilis na sumilay ang ngiti sa mga labi niya bago hinawakan sa pisngi ang asawa at mabilis itong hinalikan. "Dapat ba may dahilan?" "Oo!" mabilis nitong tugon. Ibinaba nito ang hawak na platito at tuluyang humarap sa kaniya. Sandali siyang huminto para mag-isip. Hinawak pa niya sa baba ang malayang kamay. "Wala kang maisip!" Biglang tumaas ang tinig nito, lalong tumatalim ang mga mata. Natawa siya bigla sa nakitang reaksiyon ng asawa. Hinawakan niya ito sa magkabilang pisngi saka muling dinampian ng halik sa mga labi. Parang drugs ang mga labi ng babae. Kahit anong pigil ang gawin niya, hindi mapigilan ang tikman iyon. Minsan sa panggigigil, gusto na lang niya iyong kagatin. "Hindi ko alam kung bakit minahal kita. Ang alam ko lang, mahal na mahal