Nagising ako kinaumagahan na mabigat ang ulo. Pakiramdam ko ay mabibiyak na ito sa sakit. Marahil ay dulot ito ng paghagulgol ko kagabi. Napaupo ako sa kama hawak ang kumot sa aking dibdib habang nakatingin sa kawalan… Ayoko munang tumingin sa kabuuan ng aking katawan…. Ayoko munang tignan ang mga markang naiwang magpapaalala ng hindi kaaya-ayang kaganapan… Hindi ko lubos maisip kung bakit at paano humantong ang dapat ay masayang bakasiyon ko sa baybayin ng Hawaii sa ganitong madilim na sitwasiyon? Tok! Tok! Tok! Napabalik ako sa ulirat nang makarinig ako ng tatlong katok mula sa labas ng pintuan. Nanatili lang akong tahimik sapagkat hindi ko alam kung anong dapat sabihin…at kung anong bagay nanaman ang naghihintay sa akin sa labas ng pintuang ito. Nakaramdam ata ang kung sino mang

