Hindi nagtaggal ay huminto na rin si Alexi sa pagmamaneho sa may tapat ng isang napakalaki at napakatayog na building. Medyo gabi na pero maaninag ko pa rin ang nakaukit na pangalan ng nasabing building dahil sa mga paiilaw na nakapalibot nito. La Scala (Opera House) Bago pa man din ako magtanong ay binigyan na ako ni Alexi ng paunang salita patungkol sa La Scala. “This is La Scala, one of the most prestigious opera house in the world. This is where people come to watch theater plays and acapella performances of classical singers,” mahaba nitong paliwanag. “Then what are we doing here?” curious kong tanong. Halatang nakasara ito sapagkat ni walang mga nakabukas na pintuan o anuman. Tanging dalawang gwardiya lamang ang seryosong nakatayo sa gilid ng mga poste. “Buonasera signori [Goo

