“I could hear your heartbeats darling,” pabirong ani ng don kasabay ang masuyong pagsuklay ng kanyang daliri sa kulut-kulotan kong buhok ng ibaba niya ang aming mga kamay. Tila ba awtomatikong nangamatis ang aking magkabilang pisngi. As in ba talagang abot tenga niya ang malalakas na pagtambol ng aking dibdib? Ugh! Super nakakahiya! ‘Ano ba Dalarie pakalmahin mo iyong puso!’ mariin kong sambit sa aking sarili. “Y-You l-look beautiful,” medyo natatamemeng ani pa ng don na mas lalo pang nagpakulay kamatis sa aking mga pisngi. Ngayon ko lang napagtantong marahan pala niya akong pinaikot kanina para harapin siya. Ganito na ba talaga ako kadistracted sa kanya at hindi ko namamalayan ang mga nangyayari sa paligid ko? Sa kabila ng mga iniisip ko ay hindi nakaligtaan ng aking mga mata ang baha

