Isa… dalawa...tatlo...hanggang maging halos isang linggo na ang nakalipas simula noong huli kaming magkita ni Davos, parehong araw na iniwan niya akong hubo’t hubad sa hidden room na konektado sa kanyang kwarto dahil sa careless kong dila. Kung anu-ano na lang nasabi ko. I hate saying this pero aminado ako sa aking sarili na naging sobra at padalus-dalos ang ginawa kong paghuhuhusga sa kanya na para bang ni wala man lang akong ni kunting katiting na tiwala sa kanya na hindi niya magagawang saktan ako physically na parang isang halimaw. Gosh! Kung iisipin ay minsan ko na siyang linabel na ‘monster’ tsaka ‘cruel’, halimaw at marahas noong bagong dating ko pa lang sa islang ito. That was when I accidentally witness ang brutal na paghiwa niya sa lalaking trumaydor kuno sa kanya sa tort

