Kabanata 5: Secret Passage

1131 Words
Napaayos ako ng tayo at tinignan ang ang nangyari. Dito ko napagtantong bahagyang napaikot ang bookshelf dahilan ng pag-urong ng kinasasandalan ko kanina. Marahil ay nabigatan na ito sa akin, idagdag mo pa ang medyo matagal na minutong pagkakasandal ko rito. Tuluyan kong tinulak paikot ang bookshelf upang tignan ang nakatago sa likuran nito. Namilog ang aking mga labi nang mapagtanto ang isang mala-sekret passage na nadiskubre ko…ngunit nagdadalawang isip akong tumuloy. Medyo madilim-dilim na rin kasi ang susunod na bahagi ng nakatagong daanang ito at tsaka hindi pa ko sigurado kung ano ang nasa dulo nito. Tumalikod ako at dinantay ang aking mga kamay sa bookshelf upang itulak ito pabaliktad at ng makalabas na rin ako ngunit tila ba hindi ko magawa. Parang may bagay na pumipigil upang muli kong mapaikot ang bookshelf na kanina ay madali kong naitulak. Lingid sa aking kaalaman ay mayroong automatic locking system ang bookshelf na nagpapanatiling nakalock ito at hindi maaaring muling buksan sa loob ng trenta minuto. Ginawa ito upang maiwasan ang agarang pagsunod ng kalaban kung saka-sakali mang may sumugod at maisiping gamitin ng don ang secret passage at sumunod sa kanya. Huminga ako ng malalim at tsaka naglakas loob na sulungin ang medyo madilim na pasilyo ng secret passage na ito. Iwinaksi ko na sa aking isipan ang takot na namumuo sa aking kalamnan kasabay ang pagbabalik alaala ng mga nakakatakot na panood o horror movies na minsan ko ng napanood. Aminado akong medyo pinagpapawisan na ako sa kaba at takot. Ramdam ko rin ang pagnginig ng aking tuhod sa kalagitnaan ng tila magpawalang hanggang kadiliman. Nakakaasar! Kung sana man lang ay may hawak akong flashlight, torch, o cellphone sa mga oras na ito at hindi ako maging hysterical. Hindi na kasi ako binigyan ng pagkakataong hablutin ang aking phone bago ako buhatin noon sa beach. At wala man lang ni isa kina Edmundo, Justine, at Diego ang nagmagandang loob na kunin ito para sa akin. Sabagay hindi naman sila tanga para bigyan ako ng means para makapagkontak ng ibang tao at takasan sila. Medyo nabuhayan ang aking pag-asa nang sa wakas pagkatapos ang mahigit tatlong minutong paglalakad sa dilim ay may nahagilap aking mahinang liwanag sa may dulo. Patakbo ko itong nilapitan…ngunit napabagal ang aking hakbang nang makarinig ako ng mga boses ng mga kalalakihan kasabay ang paghampas ng malakas na bagay at pagdaing ng isang nilalang. Dahan-dahan akong lumapit sa pinanggagalingan ng liwanag habang maingat na kinukubli pa rin ang aking sarili sa dilim upang pasekretong sumilip sa mga pangyayari. Mabilis akong napatuop sa aking bibig ng halos maglaglag ang aking puso sa kaba, gulat, at takot sa senaryong tumambad sa akin. “Traidor!” Malakas na sigaw ng isang pamilyar na baritonong boses ng isang lalaki. “Edmundo…” mahinang salitang lumabas sa aking labi. Hindi ako lubos makapaniwala sa rapid transformation nito mula sa seryoso ngunit disenteng tao noon sa yate hanggang sa nanlilisik na malahalimaw nitong titig sa lalaking kawawang nahandusay sa malamig at matigas na sahig. Duguan ang mukha nito…putok labi…at basag panga ito. Walang itong damit pang-itaas at tanging isang maikling boxer’s shorts lamang ang suit nito. Litaw na litaw sa aking mga mata ang mga sariwang hiwa, namumulang balat, at dumudugong mga sugat. Mayamaya’y napatigil ang lahat nang may mga armadong lalaki ang pumasok. Bahagyang yumuko ang mga naunang kalalakihan na nandoon na sa lugar bago pa man. Halos mawala na ang atensiyon ko sa iba nang pumasok ang isang lalaking napakatangkad at maskulado na nakasuot ng black na polo. Animo ay isa itong magnet na awtomatikong humigop ng lahat ng atensiyon ko. May kakaiba itong aura na napakapowerful at napakaauthoritative na tila ba nangangailangan talaga ng atensiyon ang presensiya nito. Ito ang tipo ng taong hindi mo makakayanang i-withstand ng matagal kung hindi mo patitigasin ang iyong sarili. Hindi ko pa halos makita ang detalye ng mukha nito sapagkat mahina lang ang liwanag ng ilaw. Sinadyang dim lang ang light ng torture place ng bahay. Dumeretso ang nasabing lalaki sa malaking kulay pulang upuan na inadornohan ng mga ginintuang dragon na nakaukit sa may patungan ng kamay nito. Lumapit si Edmundo rito at may binulong sa kauupong lalaki. Dito lamang nagsink-ink sa aking isipan ang posibilidad na maaaring ang lalaking nakaupo ay ang Mafia Boss… Maaring siya ang tinatawag nilang Don Sebastian… Maaring siya ang sinasabi nilang aking fiancé… Kung gayon man…makakaya ko kayang sabayan ang napakalakas nitong aura? Napatigil ako sa pagmumuni-muni ng muling mapadaing ang kawawang lalaki na pilit pinapatayo sa mga paa nito. Isa-isang lumapit ang bawat kalalakihang naroon upang bigyan ng sari-sariling tadyak at suntok ang lalaki habang sinusigaw ang iisang kataga. “Traidor!” Halos maipikit ko na ang aking mga mata at matakpan ang aking mga tenga upang magkunwaring walang naririnig at nakikita. Ayoko manonood na lamang at walang gawin at hayaang may isang taong pinapahirapan…at worst maaaring mamatay. Oo nga’t hindi ako ganoon kabait sa mga nagdaang kabanata ng aking buhay, ngunit hindi ako ganoon kasama na pumapayag sa mga ganitong torture at pagpapahirap. Dalarie Cohshana is known to be fierce and bold. Brave! Walang inuurungan. Palaging tumatayo sa mga bagay na pinaniniwalaan at pinaninindigan niya…ngunit bakit ngayon parang ano…parang naduduwag ako. Bakit parang na-iintimidate ako sa mga baril, presensiya, at maaaring gawin ng mga kalalakihan sa akin. “Kill him now,” malamig na utos ng isang boses na punong-puno ng authority mula sa lalaking nakaupo ang nakapagpalakas ng loob ko upang lumabas sa lunggang pinagtataguan ko at manindigan sa prinsipyo ko. Kitang-kita ko kung papaano ibigay ng isang lalaki kay Edmundo ang isang mahabang espada at kung papaano ito maitaas sa ere. Kailan man ay hindi tama ang pumatay ng kapwa! “Stop! Huwag niyong gawin iyan!” buong tapang kong tinakbo ang ilang metro upang ikubli ang sarili sa liwanag at harapan ng mga kalalakihang muntik ng kumitil ng buhay. Sinamaan ko ng tingin ang lalaking nakaupo na nakangising nakatingin sa akin. Doon ko lang napagtantong halos bente plus na baril ang nakatutok sa direksiyon ko. Maging sina Justine, Edmundo, at Diego ay nakahawak ng baril. Hindi ko naman maiwasang madismaya na wala man lang pag-aalinlangan sa mga mata nila Kung tutuusin ay may pinagsamahan na rin sila sa maikling panahon nila sa yate. Ang swerte naman ng lalaking nakaupo at talagang napakaloyal ng mga tauhan niya. Sa kabila ng tensiyong namumuo ay hindi ko napigilan ang aking sariling pasadahan ng tingin ang pisikal na itsura ng lalaking nakaupo lalung-lalo na ang mukha nito ng malapitan. Mayroon itong katamtaman puti na kulay ng balat, matangos ang ilong, malalim na kulay asul na mga mata, at mapupulang mga labi. Bakat na bakat rin sa polo nito ang mga nagtitigasan at well-shaped abs at biceps ng lalaki. Napakagwapo nito at napakasexy pa ng katawan. Lalaking-lalaki… Ugh! Ano ba Dalarie?! Tahimik kong kinutusan ang aking sarili nang magawa ko pang maglandi at mamuri ng physical attributes gayong nasa panganib ang buhay ko…gayong hindi lang isang baril ang nakabadyang tumapos sa hininga ko…sa pangarap ko…at sa buong pagkatao ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD