Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata nang bigla ako maalimpungatan. Gosh! Ano bang nangyari sa akin? Wait… Ba’t wala pa rin akong makita? Nanatili pa ring madilim ang aking mga paningin kahit na buksan ang aking mga mata. “F*ck you all! Get me out of here assholes!” rinig kong sigaw ng isang boses babae. At base sa lakas ng pagkakadinig ko ay alam kong malapit lamang ito sa akin. Anong bang nangyayari? Nasaan ako? Pilit kong ginalaw ang aking mga kamay upang kusotin ang mga mata sakaling luminaw na ang aking paningin ngunit hindi ko magawa. Tali ba nakagapos ito sa makapal at magaspang na lubid na nagdudulot ng kunting kirot sa aking pulsu-pulsuhan kapag nag-a-attempt akong igalaw ito. “I’m not afraid of you bastards! Show yourself you filthy Severus!” muli pan

