Nagising ako kinaumagahan sa maaliwas na sikat ng araw. Napaunat-unat ako ng kamay sa magkabilang panig habang minu-move ang aking ulo upang i-exercise ito ng kunti. Napahaba ulit ako ng tulog na tila ba tinotohanan na ng Maykapal na bigyan ako ng sakit ng katawan sapagkat nagsinungaling ako kahapon. Pagkatapos naming mamili sa Square Mall ay sinabi ko na lamang kay Davos na masama ang aking pakiramdam noong tinanong niya ako kung ano ang mali at bigla ko siyang yinakap. Nagyaya na rin akong umuwi pakuwa. Hindi ko alam ko paano ko ipapapliwanag sa kanya ang nararamdaman ko… more so, ayokong sabihin sa kanya ang tungkol sa kamukhang-kamukha kong babae na nakita ko sa labas...at natatakot akong kapag nagtagal pa kami roon ay baka makita rin siya ng aking asawa. Alam ko...Alam ko sa aking

