Alas-tres y medya nang maalimpungatan ako mula sa aking tulog. Malamig kasi ang ihip ng hangin na nagmumula sa malapit na dalampasigan sa mga oras na ito. Suot ang puti kong sleeping gown ay napagpasiyahan kong lumabas para uminom ng tubig. Ramdam ko ang panunuyo ng aking lalamunan. Ugh! Nakakaasar! Hindi ko maikot ang hawakan ng pintuan sapagkat nakalock ito mula sa labas. Ano na?! Magiging preso na pala ako ngayon ha?! Inis akong bumalik sa aking kama na gusut-gusot ang mukha. Muli akong humiga at pilit na pinipikit-pikit ang aking mga mata. Ugh! Muli akong napamura sapagkat hindi ko na makuha ang timpla ng aking tulog. Makalipas ng limang minuto ay nanatili pa ring dilat ang aking mga mata. No choice. Bumangon ulit ako at naglakad-lakad sa apat na sulok ng aking kwarto hanggang sa

