JASLEAH MARIE SANCHEZ’ POINT OF VIEW NAGISING ako dahil sa pagtunog ng aking cellphone. Matapos ng nangyari sa hospital ay mas naging malapit kami ni Edison. Madalas ko na siyang ka-text ‘di gaya ng dati na nag-tetext lang siya kapag gusto niyang pumunta ako sa condo niya. Binuksan ko ang mensahe niya, ‘di ko mapigilan ang mapangiti ng makita ko ang pangalan niya. Nakabungad kasi ito sa inbox ko. Gusto ko ng burahin lahat ng contacts at inbox ko para pangalan lang niya ang matitira. Edison: Good Morning! Para akong tangang nakangiti sa simple niyang good morning. Kinikilig na ba ako? Sa tingin ko para akong kinikilig. Me: Good Morning din. Kumusta ang naging gabi mo? Edison: I went at Tom’s crib to play early this morning. I didn’t sleep that much last night that’s why I left my