NAKATINGIN lang sa labas ng bintana ng sasakyan si Ira simula noong umalis sila sa bahay nina Lester. Nagpabalik-balik sa isipan niya ang sinabi sa kaniya ng binata noong nag-usap sila. Kung masyadong showy ang feelings niya, paano pa kaya sa ibang tao. Napansin ni Allen ang pagiging tahimik ng dalaga, pero dahil alam niya naman ang nangyari ay inisip niya na lang din na baka pagod na ito. Lalo na at siya ang madalas na makasama ni Fiona noong nagbo-bonding sila. Hinayaan niya na lang si Ira na magpahinga. Diretso lamang ang kaniyang tingin sa daan habang nagmamaneho pauwi sa kanilang bahay. Madaling araw na nang makauwi sila. Nang makapag-park si Alllen ay hindi na niya hinintay pang pagbuksan siya ng binata dahil alam niyang hindi 'yon gagawin ng lalaki. Bumaba na ito ng sasakyan at sa

