NAPATABINGI ang ulo ni Allen nang dumapo sa pisngi nito ang palad ni Alyanna. Naputol ang kaniyang sinasabi at nanlalaki ang mata dahil sa gulat nang gawin 'yon ng kaniyang ina. "How dare you?!" may diing sabi ni Alyanna. Napakapit naman ang asawa nito sa braso niya para patigilin siya. "Paano mo nagawang magsinungaling sa amin? Paano mo nagawang lokohin kami ng daddy mo?!" Nanggagalaiti sa galit si Alyanna at alam ni Allen na kasalanan niya lahat 'yon. Pagkatapos maikuwento sa kaniyang magulang ang lahat ng kasinungaling ginawa simula noong nagkaanak siya hanggang sa pinasok niya si Ira bilang contract wife. Hindi niya pinagsisihan na sabihin 'yon sa kanila dahil alam niyang higit na siya talaga ang may kasalanan ng lahat. Kung noong una pa lang ay sinunod niya na ang mga payo ng magul

