NGITI ang sumilay sa mga labi ni Ira nang magising ito kinabukasan. Para bang isang masayang panaginip ang nangyari sa kaniya na para bang gusto niya pang bumalik sa pagkakatulog. Bigla niya na namang naalala 'yong nangyari kagabi kung saan una niyang binigay ang kaniyang p********e sa lalaki. Hindi niya naman pinagsisihan ang bagay na 'yon dahil mahal na mahal niya si Allen. Dahan-dahan niyang idinilat ang kaniyang mga mata at sinilip ang kaniyang hubad na katawan sa ilalim ng kumot na nagtatakip sa kaniya. Totoo talagang nangyari ang lahat at hindi lang iyon panaginip. Agad na hinanap ng dalaga ang taong gusto niyang makita, pero wala na ito sa kaniyang tabi. Napanguso ito dahil alam niyang maaga na namang pumasok si Allen sa trabaho. Ganoon naman kasi ang nangyari araw-araw kaya hindi

